Siyam Na Bilang

261 0 0
                                    

Ma'am Zyrene

Isa. Isa-isa mo kaming nakilala
Isa-isa ka rin naming maaalala
Sa paglipas ng ilang panahon
Ika'y naging parte samin ngayon

Dalawa. Dalawang pares nga mga mata
Ang hindi namin hahayaang lumuha
Tinatawanan at nginingitian natin ang problema
Lalo na 'pag kayo'y aming kasama

Tatlo. Tatlong araw ay 'di sasapat
Upang makasama ka naming lahat
Ikaw at kami, iba na ang naging turingan
Kulang at hindi sasapat ang salitang "kaibigan"

Apat. Apat na upuan ang nasa likuran
Umupo ka at kami ay iyong tinabihan
Tawa, ngiti, halakhak at iba pa
Madalas natin gawin 'pag tayo'y magkakasama

Lima. Limang kabataan ang napalapit sayo
Naging pamilya na sa puso mo
Alaalang habangbuhay tatandaan
Samahang walang hangganan

Anim. Anim tayo noong mabuo
Walang sinuman ang sisira nito
Walang dapat kalimutan
Pangyayari'y dapat pahalagahan

Pito. Pitong pangalan ang aking naitalaga
Sa isang papel na aking inihanda
Nagkape habang may tinapay
Nagtawanan habang nagkakasabay

Walo. Walong araw bago sumapit ang bente-singko
Inimbita mo kaming kumain sa labas kasama mo
Sumama kami at isa-isa tayong nagkatinginan
'Di nagtagal umabot sa puntong tayo'y nagngitian

Siyam. Siyam na saknong ang aking gagawin
Upang ipahayag sa lahat ang kwento natin
Na naglalaman ng pagkakaibigang 'di inaasahan
At binuo ng kakaibang mga tauhan

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon