Umaasa

178 3 0
                                    

Saglit lang kitang iniwan,
Pero yung puso mo may iba ng nilalalaman
Tumalikod lang ako sandali,
Pagharap ko iniwan mo na ako ng ganon kadali

Pumikit lang ako ng matagal,
Pagdilat ko hindi mo na ako mahal
Humakbang lang ako paharap,
Iniwan mo na ako ng walang kahirap-hirap

Sabi mo huli na ang lahat
Bakit? Dahi l ba hindi ako sapat?
Sabi mo ibaon ko na ang nakaraan
Bakit? Dahil ba kaya mo na akong kalimutan?

Nasaktan ako ng hindi ko alam
Iniwanan mo ako ng walang paalam
Tinalikuran mo ang lahat ng namagitan sa atin
Kaya ang puso ko ay wasak pa rin

Sa dami ng salitang gusto kong sabihin
"Mahal Kita" lang ang kaya kong banggitin
Hindi na ako aasa hihiling pa na sana ako'y iyong balikan
Dahil alam kong sa bandang huli ako lang din naman ang masasaktan

to be continued...

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon