Para sayo ang tulang ito. Isinulat ko ito sa maikling panahong nagkasama tayo.
Mahal alam kong wala akong karapatang manirahan dyan sa puso mo dahil alam kong siya pa rin ang mahal mo.
Hindi ko siya maaaring palitan kahit kailan dahil hindi ko siya kayang higitan.
Hindi ko siya kayang tapatan at higitan dahil sa unang parte siya na ang naging ma-swerte.
Mahal, kung iiyak ka man sa piling niya handa akong saluhin ang bawat patak ng luha sa iyong mga mata.
Sa iyong mga mata na kahit ang simpleng pagtitig ay naging dahilan kung bakit sayo ko piniling umibig.
Inaamin ko, nasasaktan ako tuwing magkasama kayo pero anong magagawa ko? Ikaw pa rin naman ang tinitibok ng puso ko.
Sa maikling panahong nagkasama tayo doon ako mas lalong nahulog sayo, hulog na hulog ang puso ko at puno ng takot dahil alam kong wala kang balak saluhin ito.
Wala kang balak saluhin dahil may una kanang sinalo, at ang puso mo ay tila ba isang bagay na kailanman ay hindi ko magiging pag-aari.
Hanggang sa tulang ito, siya pa rin ang pinili mo at ako pa rin ang umaasang balang-araw mamahalin mo rin.
BINABASA MO ANG
Mga Tula (COMPLETED)
PoesíaCringe Poetry Collection written by yours truly. Hindi pa ako masyadong magaling but I hope you'll find time to read my poems.