Dahil Sayo

269 6 0
                                    

Natuto akong lumuha
Natuto akong maghintay
Natuto akong sumuko
Natuto akong masaktan

Natuto akong mapagod
Natuto akong maging makasarili
Natuto akong ngumiti sa mababaw na dahilan
Natuto akong magpahalaga

Natuto akong magpanggap
Natuto akong maging matapang
Natuto akong maging tanga
Natuto akong lumaban

Natuto akong magpatawad
Natuto akong maging masaya
Natuto akong magpaka-desperada
Natuto akong madapa at bumangon

Lahat nang 'yan natutunan ko dahil nagmahal lang naman ako sayo

#DahilSayo
Created by: AneehSon Lee

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon