BAWAL

117 1 0
                                    

Bakit 'di tayo para sa isa't isa?
Bakit pwede ang "ikaw" at "siya"?
Bakit walang tayo?
Bakit may "ako" na naghihintay sayo?

Akala ko talaga tutuhanan na
Ako lang pala ang umasa nung una
Ako lang pala ang naghahangad ng iba
At ako lang ang nagmamahal sa'ting dalawa

Wala ka ba talagang nararamdaman?
Wala bang "ako" na nilalaman?
Willing to wait naman ako
Walang ibang gusto bukod sayo

Asahan mong maghihintay ako sayo
Abutan man ako ng malakas na bagyo
Andito pa rin ako
Aalalay sa puso mo

Lagi mo akong maaasahan
Lagi ka ring nasa isipan
Lahat sayo ay mahal ko
Lalo na ang buo mong pagkatao

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon