Special Treat

110 1 0
                                    

Sa araw na ito, umaasa ako
Umaasa akong landas natin ay magtagpo
Puso natin ay magkasundo
Kahit man lang sa araw na'to

Valentines day, minsan lang sa isang taon
Tulad ng nararamdaman kong sayo lang umusbong
Pebrero 14, ang eksaktong petsa
Kung saan madalas isa ako sa mga umaasa

Pero hindi 'yan ang nais kong sabihin
Sana magawa mo akong pansinin
O 'di kaya magawa mong nararamdaman ko'y dinggin
O sana, magawa mo man lang akong mahalin

Sana kahit isang araw lang
Magawa mo akong saluhin
Mula sa pagkakahulog sa iyong damdamin
Na pinili kong suyurin

Ang daming sana sa tulang ito
Kaakibat ng pagmamahal ko sayo
Pagmamahal na aking nabuo
Pagmamahal na 'di ko na kayang itago

Sana ramdam mong ikaw ito sinta
Ang nilalaman sa bawat salita
Ang ugat ng bawat tugma
Ang saknong sa bawat pahina

Sana ramdam mong sa'yo na ito mula umpisa
Sa'yo na ito mula nung una tayong magkita
Sa'yo na ito mula nung una akong tumitig sa iyong mga mata
Sa'yo na ito mula bahay patungong eskwela

Ikaw na minahal ko ng patago
Ako na umaasa sayo
Ikaw at ako, lubhang malabo
Lalo na ngayong araw ng mga puso

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon