PAG-IBIG

297 5 1
                                    

Nararamdamang hindi kayang pigilan
Pagsuyong hindi mahahadlangan
Puso ang siyang nagdikta
Sa hindi inaasahang pagkikita

Dalawang taong itinadhana
Panginoon ang siyang nagtakda
Pagmamahalang walang kapantay
Para sa mga taong handang maghintay

Pagsubok na ibinigay
Buhay ang siyang iaalay
Ang pangalang iyong bukam-bibig
Ay siyang taong iyong iniibig

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon