Paano?

197 6 0
                                    

Paano ako makakalimot?

Kung sa bawat pikit ng mga mata ko, mukha mo ang nakikita ko

Sa bawat takip ng mga tenga ko, boses mo ang naririnig ko

Sa bawat tingin ko sa mga kamay ko, patuloy kong nararamdaman ang mga palad mo

Sa bawat hakbang na gagawin ko, mga yabag mo ang naririnig kong sumasalubong

Sa bawat ngiti na ginagawa ko, kalungkutan ang totoo nito

Sa bawat pintig ng puso ko, pangalan mo pa rin ang tinitibok-tibok nito

Papano ako makakalimot?

#PaanoMakalimot
Created by: AneehSon Lee

Mga Tula (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon