•Jurie Kieth Santiago's POV•
"Ateneo de Cebu University?!" gulat na gulat na sabi sa'kin ni mama dahil nalaman niyang gusto kong mag-aral doon.
Nagalit si mama dahil hindi ko ito sinabi ka agad sa kanya.
"Dili ko mo sugot(Hindi ako papayag)!" dagdag pa niya na galit.
Si mama talaga, over protective na sa'kin dahil sa mata ko. Napayuko nalang ako sa sobrang lungkot at hindi nalang sumagot.
"Naunsa man mo, Langga(Anung nangyari sa inyu, Langga)? " tanung ng papa ko kay mama na kakarating lang.
"Imung anak, O, mo skwela man daw sa Cebu," galit na sagut ni mama kay papa.
Alam ni Papa 'to at alam din niya na hindi papayag si Mama sa nais ko.
"Langga," umupo siya sa tabi ni Mama. "'Yan naman ang gusto niya eh, at t'yaka alam ko naman ito, sinabi ko nanga sa kapatid ko na doon titira si Kit sa condo nila."
Hindi nalang sumagot si Mama dahil sa sinabi ni Papa. Gusto naman siguro ni Mama pero may paghahalung kaba at pag aalala.
"Pwede raman unta pero nganung sa Ateneo man gyud(Pwede naman, eh, pero bakit naman sa Ateneo), sa sporty school pa talaga?" pag papaliwanag ni mama sa'min ni papa.
"Langga alam kung iniisip mo, pero pagbigyan naman natin ang bata," sagut ni papa sabay hawak sa kamay ni Mama. "At tsaka mukhang maganda raw doon ang economics, eh."
Nalungkot ako na may halung saya. Si mama naman ay nag iisip na kinakabahan para sa akin.
"Oh siya, basta hindi ka lalapit sa mga naglalaru. Lalo'ng lalo na sa Volleyball at Basketball, ug uban pa diha(at iba pa d'yan)."
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Mama kaya nawala ang lungkot ko at niyakap ko sila dahil sa tuwa at saya.
"Salamat, Ma.." sabi ko na yakap yakap sila.
"Oh basta mag ingat ka didto(doon) ha?" bilin ni Mama at tumangu ako bilang sagut.
Pumunta kaagad ako sa kwarto ko para mag impaki dahil bukas na bukas ay aalis na ako.
Masaya kung inimpaki ang mga gamit ko at nang may nakita akong itim na kahun sa gilid ng mga damit ko na nasa cabinet.
Kinuha ko ang kahon at binuksan ito. Buhay pa pala 'to?
Napangiti ako sa nakita, dahil ito yung mga Love Letter na ibinibigay sa akin noon ng Secret Admirer ko 7 years ago, eh. Halus Tatlong taon narin mula nung palagi ko tong binabasa at ngayon ko lang ulit ito nakita. Naisipan kung dalhin nalang ito kaya inilagay ko na rin ito sa maleta.

YOU ARE READING
My idol's idol
Acak[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...