𝐒a parking gate si Kieth dumaan, nagbabasakali na makita niya si Neo para maisauli niya ang ID nito.
"JurieKat[Borekat](Malandi)!"
Kumunot ang noo ni Kieth dahil sa tawag, nilingun niya ang banda kung saan ito nang-galing at lumiwanag ang mukha niya nang makita ang Kuya.
Napangiti siya at tumakbo papunta sa Kuya. Sinalubong naman ni Rafael si Kieth nang mainit na yakap at ngiti. Nagbent pa si Rafael para suportahan si Kieth sa yakap.
Kakalabas lang ni Neo sa gate nang makita niya si Kieth na may kayakap. Napatigil siya at tinitigan sila. Inisip niya na jowa ni Kieth ang kayakap nito.
"Ba't ka nandito?" nagtatakang tanung ni Kieth pagkatapos nilang magyakapan. "At pa'no ka nakapasok?"
"Wala ra(Wala lang), gusto lang kita makita dahil namimiss na kitang kulitin." kinurot ni Rafael ang ilong ni Kieth. "Sinabi ko sa guard na susunduin ko jowa ko."
"Aray!" reklamo ni Kieth "Kuya, naman, oh!"
Tinawanan lang ni Rafael si Kieth.
"Nga pala, Kuya, pa'no mo nalaman na dito ako sa parking dadaan?"
"Obvious ba?" kunot noo'ng balik ni Rafael kay Kieth. "May kotse ka."
Napayuko si Kieth dahil sa sinabi ng kuya na ipinagtaka ni Rafael.
"Bakit?" hinawakan ni Rafael ang magkabilang braso ni Kieth at ibinaluktot ang katawan para makita ang mukha ni Kieth.
"Hindi pa kas-si ako bumili ng- kotse," takut na sagut ni Kieth.
Tumayo na ng maayos si Rafael at binitawan ang mga braso ni Kieth.
"Okay lang 'yan. Gala ta'yo ta's 'yong pera igastos na'tin." nakangiting lahad ni Rafael sa wonderful idea niya.
Napatingala si Kieth sa Kuya niya dahil sa sinabi nito. Hanggang baba lang kasi ang height ni Kieth sa Kuya niya. PS: Hindi pa nauso ang gloxi dito.
Binigyan lang ni Kieth ang kuya niya na gulat na nagtatanong na mukha.
Nakangisi lang si Rafael at binigyan niya si Kieth ng dalawang taas-baba ng mga kilay.
Napatulala si Kieth dahil sa pag-iisip kung tama ba ang ideya ng kuya niya.
Tumawa si Rafael na ikinagulat ni Kieth. "Biro lang 'yun. Siyempre, sumbong Mama."
Niyakap ni Kieth ang kuya upang magpakaawa at tumingkayad pa para masiksik ang ulo sa leeg ni Rafael. Napatawa si Rafael dahil parang nangingiliti na si Kieth leeg niya.
"Kuya.." nagmamakawang Kieth.
"Kuya.." pang-aasar ni Rafael.
Hinigpitan pa ni Kieth ang pagyakap.
"Panahon na siguro, Kit, para bumalik ka na sa probinsiya," seryosong sabi ni Rafael.
"Kuya!" naiinis na pasigaw ni Kieth sa leeg ng Kuya niya. Napatawa si Rafael dahil sa ginhawa ni Kieth na nararamdaman niya sa leeg. Kinuha ni Rafael ang mga kamay ni Kieth para patigilin ito.
"Kumain muna ta'yo, nagugutom na ako, eh," aya ni Rafael at hinaplos pa ang tyan.
"Isusumbong mo ako kay Mama o hindi." nakasimangot na tanong ni Kieth.
"Basta sumakay ka nalang sa kotse."
Nakatingin lang sa malayo si Neo sa kanila. Napangiti nalang si Neo habang iniisip na magjowa si Kieth at Rafael. Inisip niya kung kailan niya mahahanap ang hinahanap niya.

YOU ARE READING
My idol's idol
De Todo[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...