“Kieth.... hindi parin kita naunahan,” malungkot na sabi ni Sam at napahagikhik nalang si Kieth.
“Bakit ba kasi ang aga mung pumunta dito?” tanung ni Sam.
“May gagawin kasi ako.”
“Pwede mo bang sabihin sa’kin?”
“Amhh...” nagdadalawang isip si Kieth na sabihan ba si Sam sa ginagawa niya.
“Please.... “ pagmamakaawa ni Sam.
Kahit sa pagpupumilit ni Sam ay hindi parin ito sinabi ni Kieth.
“O, bigay niya naman.” sabay abut ni Ryle ng isang kulay Yellow na papel.
Kinuha ni Neo ito at binuksan... hindi parin nawala ang pagatataka ni Neo kung bakit magkapareho ang mga papel noon na ibinibigay niya kay Jurie at ang mga papel na natatanggap niya ngayun galing sa babaeng nagbibigay nito.
“Malapit ng makumpleto," nakangting sabi ni Neo na nakatingin sa papel.
“Makumpleto ang?” nagtatakang balik ni Ryle.
“Wala, tara pumasok na tayu.”
Pumasok nalang sila sa room nila dahil malapit ng mag-umpisa ang klase nila.
Lunch Break na ng lahat, pumunta sila Kieth, Kenneth at Sam sa canteen para kumain.
Habang kumakain sila ay s’ya naman ang pag uusap nila.
“Hello.... everyone...” bati ni Derk nila Kieth sabay tukod nito ng dalawang kamay niya sa hapag nila Kieth.
Nagulat sila Kieth dito, nainis nanaman si Kenneth at si Sam naman ay hindi mapigilang kiligin.
“Bakit ka nanaman nandito?” naiinis na tanung ni Kenneth kay Derk at nakita niya sina Neo at Ryle sa likod ni Derk na papalapit.
“Gusto lang namin sumabay sa inyu kumain.”
“Oy... Ken,” bati ni Ryle. “Hi Sam, hi Kieth.”
Nakita ni Derk si Neo na hindi bumati nila Kieth kaya..
“O, ikaw, Neo? Hindi kaba babati sa crush mo?”
Sinamaan lang ni Neo si Derk ng tingin.
“Hahaha..” sarkastikong tawa ni Derk.
"Uhm.. ehm," pagklaro ni Derk sa boses niya. "May nagsabi sa’min na may boyfriend ka na 'raw, Kit. Is this true?"
“Huh?! Kabuangon mo?!(nababaliw ba kayu?!)” gulat na balik ni Kenneth.
“Tinood na, Kit?(Totoo ba ‘yan Kieth?)” tanung ni Sam at umiling kaagad si Kieth dahil sa gulat at pagtataka.
“Wala naman pala, eh. Sino ba ang nagsabi?” tanung ni Kenneth.
Tumingin si Kenneth kay Neo. Mahinang sinipa naman ni Derk ang paa ni Neo. Nakatingin lang si Kieth kay Derk dahil sa pagtataka nito.
“Ahh.. wala wala! Never mind," pigil ni Ryle sa topic nila.
“Pwede bang umupo dito para kumain?” tanung ni Derk.
“Oo naman,” itinago ni Sam ang kilig.
Umupo na sila Neo... nasa tapat ni Kieth si Neo, si Derk ni Kenneth at si Ryle ay nasa tapat din ni Sam.
Napatingin si Neo sa kinakain ni Kieth at naalala niya ang paboritong pagkain ni Jurie dahil ito din ang kinakain ni Kieth ngayun.
“May gagawin ba ka’yu bukas?” tanung ni Derk nila Kieth.
“At bakit naman?” sarkastikong balik ni Kenneth.

YOU ARE READING
My idol's idol
Diversos[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...