SPG!! Rated 18+
Naunang nagising si Rafael kaysa sa kapatid niya na mahimbing pa ang tulog.
Itlog lang ang kayang lutoin ni Rafael kaya ‘yan lang ang hinanda niya.
Tapus nang magluto si Rafael, mahimbing parin ang tulog ni Kieth kaya hindi muna ginising ni Rafael si Kieth.
Habang nakaupo si Rafael sa kama ay napatingin siya sa banda kung nasaan ang Tv at nakita niya ang itim na kahun.
Lumapit si Rafael dito, kinuha niya ang itim na kahun at binuksan ito. Napangiti nalang si Rafael dahil alam niya na ito ang mga sulat na ibinibigay ng secret admirer ni Kieth noon.
Napatingin si Rafael kay Kieth at siya naman ang paggising ni Kieth.
“Dinala mo pala ‘to dito?” tanung ni Rafael sa kapatid niya na kakagising lang.
Bumangon si Kieth mula sa pagkahiga niya at sumagot na, “Sumunod lang ‘yan sa’kin.”
Nagulat si Rafael sa pambibirong sagut ni Kieth kaya, “Ah.. pa’no kapag susunod sa’kin sa probinsiya ang balita mo dito at ang tungkol sa paglapit sa mo sa naglalaru ng volleyball.”
Nanlaki ang mga mata ni Kieth sa sinabi ng kuya niya at sinamaan niya ito ng tingin.
Napatawa si Rafael. "Talo magalit."
Napasimangot si Kieth dahil sa kuya niya.
"Pa’no kapag nahanap mo ang admirer mo noon? Ta’s hanggang ngayun ay mahal ka pa niya. Pa’no ‘yan? may Neo kana.” tanong ni Rafael pagkasandal niya sa inilagyan ng tv.
Napaisip si Kieth dahil sa sinabi ng kuya niya. “Pwede naman kaming magkaibigan, diba?”
“Pwede siguro.. pero mas masakit sa part niya na nawala ka bigla ta’s makita ka niya muli, na may jowa na.”
Napatahimik saglit si Kieth at sinabing, “Kuya, alam kung may niluto ka.”
Tumayo si Kieth papunta sa lamisa kung nasaan ang niluto ng kuya niya.
Napahagikhik si Rafael. "Meron pero, omelette lang ‘yan dahil alam mo na, prinsipe ako sa atin at hindi nagluluto ang prinsipe.”
Ibinalik na ni Rafael ang itim na kahun para sumunod kay Kieth sa hapag.
Napangiti nalang si Kieth dahil sa sinabi ng Kuya niya at umupo na siya sa hapag para kumain.
“Nga pala, Bunso, hatid na kita sa University ninyo,” alok ni Rafael habang kumakain sila. “Umhh.. ‘yong... kaibigan mo’ng si Sam? Mura gyud to siya’g buang (Para talaga siya’ng baliw)."
Napahagikhik si Kieth. "Ganyan talaga siya, subrang kulit kahit hindi pa ka’yu magkakakilala. Bakit, Kuya? May gusto kaba sa kanya?”
Napatigil si Rafael sa pag-kain dahil sa sinabi ni Kieth. “Ako?! Wala no! Si volleyball lang kaya ang forever kung jowa.”
Napangiti si Kieth dito.
Inihatid na ni Rafael si Kieth sa Ateneo. Hanggang sa labas lang ng University sila dahil walang gate pass si Rafael sa Ateneo.
Niyakap muna ni Kieth ang kuya niya bagu siya bumaba sa kotse.
Nasa room na nila si Kieth at nakita niya si Sam na nag oonline game. Wala lang si Kieth dito at kumuha nalang siya libro para sagutin at isulat ang assignment nila.
Dumating na ang Prof pagkatapus magsulat ni Kieth at si Sam naman ay tumigil nadin sa paglalaru.
“Hoy, Kit, ‘nood tayu mamaya ah?” aniya Sam.

YOU ARE READING
My idol's idol
Random[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...