Hence Murillo:
Thanks for the ride. Again :))
Nakauwi kana?20 ᴍɪɴs ᴀɢᴏ
Sᴇᴇɴ 1:13PM
Binasa ko kaagad ang chat sa'kin ni kuya Neo, pagkatapus kung maligo, kakahiga ko lang sa kama.
Ju Kieth Santiago:
Nauwi na
Nagseen naman sya kaagad, nag reply kalaoan.
Hence Murillo:
Great
Matutulog kana?
Ju Kieth Santiago: Oo. Ikaw may gagawin kapa diba?
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang pumasok sa isip ko kung ano ang ichinat ko.
Hence Murillo:
Yeah. Matulog kana, its late now
Ju Kieth Santiago: Ikaw rin
Napangiti nalang din ako sa na chat ko. Okay na'yon. Bahala sya.
Kakatapus lang ng klase namin at nagligpit na ako ng mga gamit ko nang tinawag ako ni Sam kaya napahinto ako at tumingin sa kanya, nakangiti na nakataas ang mga kilay.
"Tara na," aniya.
"Oo, saglit," sagut ko at nagligpit muli.
Biglang nagring at nagvibrate 'yong phone ko na nasa bag kaya kinuha ko kaagad 'yon para tingnan.
Tumatawag si Kuya kaya dalidali akong sumagot.
"Kuya?"
"Nandito na ako sa parking lot ng university niyo."
Nagtaka ako pero nawala rin 'yon nang maalala ang chat niya kagabi.
"Oo, papunta na ako dyan," sabi ko at binaba na ang tawag.
"Nauna na si Ken kasi malalate na siya. Tara na?" sabi sa'kin ni Sam pagkalapit niya sa desk ko.
"Sam, magkikita pala kami ngayon ni Kuya, e," balik ko parang nagulat pa siya pero ngumiti naman.
"Okay, pero nasaan Kuya mo ngayon?"
"Nasa parking lot, naghihintay."
"Ahh.. Kung ganun mauna nalang ako," nakangiting sabi niya at tinuro ang labas. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagut ko.

YOU ARE READING
My idol's idol
Random[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...