Pumunta si Kieth sa Talisay at dumiretso lang siya sa bahay ng Tita niya.Binisita ni Neo ang pungtod ng Ama at Kuya niya sa Talisay. Napatulo nalang ang luha ni Neo dahil sa naalala kung paano namatay ang kapatid.
Pumunta na si Neo sa bahay nila noon dito sa Talisay. 'Di gaanong maganda at sakto lang ang laki ng bahay nila. Side lang ng papa niya ang nakatira dito, kabilang na ang Lola niya.
"Insan, kamusta na 'yung hinahanap mo?" tanong ng pinsan ni Neo kay Neo.
Itinulak muna ni Neo ang labi at kinagat bago sumagot, "Ayon, hindi pa 'rin nagpapakita." nakatingin lang si Neo sa mga halaman na nasa harap nila.
Umakbay ang pinsan niya sa kanya at tinapik ang likod niya. "Okay lang 'yan. Makikita mo rin siya."
Napahagikhik lang si Neo.
Ibinaling ni Neo ang tingin sa pinsan niya. "I saw your myday, Pipen's house?"
"Ah, Oo. Galing kami sa laro no'n."
"Didn't they talked about Jurie?"
"Hindi, eh. Mukhang hindi rin nila alam kung nasaan siya," kibitbalikat na sagot ng pinsan niya. Tumango nalang si Neo.
"Laru ta'yo ngayon, Insan. Sa San Isidro lang." aya ng pinsan niya.
Napangiti si Neo bago sumagot. "I'm busy, siguro.. papauwiin na rin ako ni Mama."
Napahagikhik ang pinsan niya. "Oo nga pala, magagalit si Modra mo."
Napatawa nalang din si Neo.
Pagkatapos ni Neo doon ay pinuntahan niya ang bahay nila Jurie, dito sa Talisay. Dalawang brgy. mula sa kanila kaya nagkotse siya.
Huminto si Neo sa gilid ng daan na nasa harap ng bahay nila Jurie, dahil walang parking at nasa high way ito. Sumilip nalang si Neo sa bintana ng kotse para makita ang bahay.
Malapit lang ang bahay nila Jurie sa skwelahan ng Talisay kaya dumiretso nalang siya doon.
Nakabukas ang gate kaya nakapasok si Neo sa skwelahan. Ipinark ni Neo ang kotse niya sa may bakanteng lote para maglakad papunta sa ground.
Nasa gilid lang ng classroom si Neo at sumilip lang siya sa Wonder Pets na nag-iinsayo sa gilid ng ground kahit na mainit.
Napangiti nalang si Neo dahil sa naalala na noo'y palagi siyang nanonood ng training nila Jurie. Kilala niya ang iba at ang iba naman ay hindi.
Pumito na ang coach ng Wonder Pets para sa break time kaya naglakad na si Neo pabalik sa kotse niya.
"Neo?"
Napalingon si Neo sa likod niya dahil sa tumawag. Mga baklang wp member ang nakita niya, may bitbitnna water bottle at pawis na pawis. Nagulat ang mga bakla at kinilig, napangiti nalang si Neo.
"Pwede pa pic?"
Tumango nalang din si Neo at nagpic nga sila.
Pumunta si Kieth sa bahay nila noon. Gusto niya sanang pumasok pero nasa loob ng bahay ang nagbabantay sa bahay nila. Hirap ito tawagin dahil may magkamalayo ang bahay sa gate.
Pagkagapos noon ay dumiretso siya sa skwelahan na malapit lang sa bahay nila noon.
Nakapasok lang din si Kieth dahil walang guard. Didiretso sana siya sa ground pero nakita niya si Pipen na naglalakad papunta sa ground.
"Ate Pen," tawag ni Kieth sa bukas na bintana.
Sinilip ni Pipen ang loob ng kotse at nagulat siya nang makita niya si Kieth sa loob ng kotse'ng huminto sa gilid niya.

YOU ARE READING
My idol's idol
Random[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...