Bagu natulog si Kieth ay nagcellphone muna siya at nag sign up sa Fb.
'Ju Kieth Santiago' ang ipinangalan ni Kieth sa FB niya.
Madali lang, dahil may mga guide kaya mga dalawang minuto lang ay tapus na si Kieth.
Sinunod lang ni Kieth ang mga guide kung paano gamitin ang FB.
Kinabukasan, tapus nang magbasa si Kieth. Ini check muna ni Kieth ang Fb niya dahil maaga pa bagu magsimula ang klase nila at kaunti pa ang mga dumating na kaklase niya.
Nagulat si Kieth nang makita niya kung ilan ang nag Friend Request sa kanya.
'150 Friends Request'
Tinignan ni Kieth kung sinong mga nag add sa kanya. Iniconfirm ni Kieth ang iba dahil kilala niya at ang iba ay kaklase niya.
'Cly Drex Belleza sent you a friend request'
Napangiti si Kieth dahil sa bagung nagtop up sa facebook niya. Tiningnan ni Kieth ang profile ni Clyde at nang stalk siya.
Tiningnan ni Kieth ang Photos ng Fb ni Clyde at nakita naman niya ang iba't iba at sari't sari na mga litrato ni Clyde ang iba ay Tag photo lang. Meron pa siya sa iba.
“Borekat nga Kit(Malandi na Kit)! Pa accept sa facebook,” sigaw ng babaeng kaklase ni Kieth na nasa harapan, kakarating lang.
Napatingin si Kieth sa kaklase niya at napatawa. “Tapus na!”
“Talaga!? Salamat.” nag flying kiss pa ang babae'ng kaklase ni Kieth kay Kieth at napatawa ulit si Kieth.
Dumating na si Sam at Kenneth, pagkapasok nila sa room nila ay nagtaka si Kieth nang makita niya si Kenneth na subrang lungkot.
Nakayuko lang si Kenneth dahil sa subrang lungkot niya, nagtaka rin si Sam pero ipinag walang bahala lang niya ito.
Sinundan lang ng tingin ni Kieth sila Sam at Kenneth at hindi parin nawala ang pagtataka niya kay Kenneth.
Tatlong araw ang nakalipas. Hindi na nagtaka si Kieth kung bakit hindi na niya palaging nakikita si Clyde.
Walang pasok sila Kieth kaya pumunta siya sa Talisay.
Huminto lang si Kieth saglit sa harap ng bahay nila noon at tumitig saglit.
Nakita ni Kieth si Pipen na naglalakad kaya sinundan niya ito.
Nasagilid lang ng daan si Pipen naglalakad, tumabi si Kieth kay Pipen at binuksan niya ang bintana ng kotse.

YOU ARE READING
My idol's idol
Random[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...