Bumalik na si Kieth sa inuupoan niya na nasa gilid ni Sam. Alam ni Sam na pumunta si Neo.
"Kit, alam mo ba na pumunta si Neo sa cr?" salubong ni Sam kay Kieth.
"Mm, bakit?"
"Ang swerte mo naman," kinikilig na sabi ni Sam.
"Kailan matatapus ang training nila?" tanung ni Kieth kay Sam na nakatingin sa mga nag iinsayu ng volleyball.
"Malapit na siguro." tumango lang si Kieth.
"Bakit? gusto mo nabang umuwi?" balik na tanung ni Sam.
"Hindi naman," sagut ni Kieth na nakatingin parin sa nag iinsa-yo.
Natapos na ang training. Umupo si Neo sa upuan kung saan nakalagay ang duffel bag niya, pawis na pawis siya kaya kumuha siya ng tuwalya sa bag niya para punasan ang pawis sa katawan. Habang pinupunasan ng towalya ni Neo ang leeg niya ay kinuha niya ang cellphone niya at nagulat siya kung ba't may papel na nahulog galing sa bag niya. Kinuha niya ito at binuksan niya ang papel.
Nakatingin si Kieth kay Neo at nakita niya rin si Neo na may binabasang sulat.
Napangiti si Neo dahil sa naalala niya na noon ay palagi niyang binibigyan ng papel ang idol niya.
"Kamusta na kaya siya?" tanung ni Neo.
Nakita ni Kieth na nakangiti si Neo kaya hindi niya mapigilang mapangiti rin. Tinignan ni Sam si Kieth at nagulat siya dahil nakatingin ito kay Neo na nakangiti.
"May gusto kaba kay Neo, Kieth?"
Agad namang ibinaling ni Kieth ang tingin kay Sam dahil sa sinabi nito. "Hindi no." kalmadong sagot ni Kieth.
"'Yang tingin na 'yan! Alam na ko na'yan, Kit!" napatawa si Sam at napangiti si Kieth.
"Hoy Kieth! Wag mung ituloy yan! ba'ka maaway pa kita, dahil akin lang si Neo," dagdag ni Sam na parang galit.
Napatawa nalang si Kieth dahil sa sinabi ni Sam.
"Okay lang sa'kin kahit may mga karibal ako kay Neo," dagdag ni Sam na lalung nag pangiti ni Kieth.
"Kailan nagka-kayu ni Neo, Sam?" natatawang tanung ni Kenneth kay Sam dahil narinig niya ang usapan nila.
Umupo si Kenneth sa gilid ni Kieth at si Sam naman ay naiinis.
"Mas cute pa nga si Kieth kaysa sa'yu, Sam, ba'ka si Neo pa ang magkagusto sa kanya," biro ni Kenneth nila na ikihagikgik ni Kieth.
"Hindi naman," natatawang sabi ni Kieth.
"Cute siya dahil maliit siya," sabi ni Sam kay Kenneth. "Cute din ako dahil-"
Pinutol ni Kenneth ang sinabi ni Sam dahil sinabing, "Wangkig ka!"
Sinamaan ni Sam nang tingin si Kenneth dahil sa
"Haha..Cute rin naman si Sam kahit wangkig siya," pangpupuri ni Kieth kay Sam.
Naging masaya ang mukha ni Sam dahil sa sinabi ni Kieth.
"Mabuti pa si Kieth nakikita niya pa ang kagandahan ko."
"Naka eye-glasses kasi ako," biro ni Kieth na ikinatuwa nila.
Tumingin si Neo sa banda kung saan niya nakita si Kieth kanina. Napangiti siya nang nakita niya sila Kieth na nagtatawanan. Lumapit sila Derk at Ryle ni Neo at nagtaka sila kung bakit nakangiti ito na may tinatanaw sa kabila. Tinignan nila kung sino ang tinitigan ni Neo at nagulat si Derk ng nakita niya si Kenneth na isa mga tinitigan ni Neo, pati narin si Ryle nagulat dahil nakita niya rin si Kieth na isa sa mga tinitigan ni Neo.

YOU ARE READING
My idol's idol
De Todo[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...