Kapitulo 033

74 3 0
                                    

•Jurie Kieth Santiago's POV•


Hindi ko alam, pero nandidiri talaga ako sa nagawa ko. Sana talaga di ganoon ka wild! Nakapanood pa naman ako ng porn bago 'yong gabing 'yon!

Sana 'di ko nagaya 'yon!

Nahihiya na ako talaga ako sa sarili kaya ako umiiwas nako sa kay kuya Neo.

Sa Casay pa talaga kami nagkita. Mas lalo siyang gumaling sa paglalaro pero sa Babe ko parin ako ano!

'Di ko alam kung anong nakain ni Papa kung bakit niya ininvite si kuya Neo sa'min! Nakaka awkward lang kasi, gusto nila Mama si kuya Neo sa kabila ng ginawa niya sa'kin noon!

'Di ako makatanggi kay Papa sa gusto niyang patulugin si Neo sa kwarto ko. Okay lang naman pero nakakailang talaga!

"I miss you so much.."

Nang niyakap ako ni kuya Neo parang kung anong kurot ang nararamdaman ko. Masakit parin, sobrang dali lang.

Ang sakit. Sobrang sakit! Pareho na kaming umiiyak, mahal ko parin siya pero mas gugustuhin ko pang unahin niya ang Mama niya kaysa sa'kin. Wala na siyang Ama at kailangan na kailangan niya ang Mama niya, kung ayaw ng mama niya sa relasyon namin ay ayaw ko rin.

"Nasasaktan ako!" nilakasan ko ang pwersa sa pagkuha ng mga kamay niya.

Lumabas na ako sa kwarto ko at hindi alam kung saan pupunta.

Pumunta ako sa guest room.

Sumandal ako sa pinto nang isinara ko 'yon at umupo. Patuloy parin ang pag- iyak. Walang ilaw dito pero kahit papaano ay makakakita ka naman.

Nasaktan din ako dahil sa nagawa ko kay Neo pero tama lang 'yon.

Wala namang mali doon di ba? Inilabas ko lang ang galit ko at sakit nitong puso.

Itinabun ko ang mga palad sa mukha para matakpan ang ingay ng pag-iyak ko.

Gusto ko naman makipagbalikan sa kanya, e pero ang sakit lalo na kung ganoon ang Mama niya!

At hindi ako ganoon ka easy to get!

Pinakaayaw ko 'yong may humahadlang sa'ming relasyon, lalo na't Mama pa niya.

Neo! Gago ka!

Nagising ako dahil sa sakit ng balikat ko. Nakatulog pala ako habang nakaupo na nakasandal nitong pinto.

Sobrang hapdi pa ng mga mata ko.

My idol's idolWhere stories live. Discover now