Epilogue

153 6 5
                                    

•Jurie Kieth Santiago's POV•

     

"Kit, nasaan kana?" tanong sa'kin ni kuya Ken sa kabilang linya, may halong lungkot pa sa boses.

        

"Papunta na ako, kuya Ken. Nasa kotse na."

        

"Bilisan mo, malapit nang mapuno ang crowd!"

        

"Mmm..." maikling sagot ko.

      

"Dali!" pinatay na niya ang tawag pagkatapos akong sigawan.

       

Pagkababa ko sa parking lot ay napahinto ako dahil sa naalala. Ang dami naming scene ni kuya Neo dito sa parking lot. Dito niya ako unang inaproach. Mga masasakit na alala. Mga happy moments din. Puta! Naalala ko nanaman siya!

            

Naglakad na ako nang tuluyan papasok sa campus. Ang dami nang tao na hindi Atenean. Ang iba pa nga ay nakadamit pang ibang skwelahan.

          

Hirap akong makapasok sa gym dahil dumami na ang tao sa entrace. Sana meron si kuya Marc para makapasok lang ako.

         

Hindi na ako naghiyahiya pa at sumiksik talaga ako sa mga tao para lang makapasok.

            

Napuno na siguro nang crowd ang gym. Ang dami palang fans nitong CNU. May nakita akong bakante malapit sa score board kaya doon ako umupo. Hindi ko alam kung anong team ang sinusupurtahan ng katabi ko. Tahimik lang ako.

            

Pagkalabas nila kuya Ken ay todo na ang hiyawan ng mga tao. Kahit 'di ko gusto ay nakuha ang pansin ko sa taong parang patang kung maglakad, nakasoot siya ng jersey number 6 at may apilyedo na 'Murillo'

         

Umikot si kuya Ken sa pagtingin pero 'di niya ako nakita.

        

Sam Lazola:
Nasaang banda kaba? Nandito kami sa bleachers ng Ateneo

   
Ju Kieth Santiago:
Nandito lang ako sa may scoreboard

       

Pagkatapos naming magchat ni Sam ay hinanap ko kaagad sila at nandoon nga sila sa tapat, si Sam, kuya Ryle at ate Pia. Kumaway pa silang tatlo at ngumiti lang ako.

        

Habang nagwa-warm up sila kuya Ken ay nasa kanya parin ang mga mata ko. Nang nag 1st set ay nakita ako ni kuya Derk. Kumaway lang siya sa'kin at may pa gesturing pa sa lips na ang tinutukoy ay si kuya Neo. Parang wala sa isip niya si kuya Neo dahil binigyan siya ng bola ni kuya Derk, 'di niya nakuha at nakatulala lang siya.

       

Matapos ang 1st set ay nagpa sub si kuya Neo. Habang nakaupo siya ay tinitigan ko talaga, hanggang lumingon siya sa banda ko.

        

Nanalo sila sa laro at grabi ang hiyawan.

         

"Pwede magpa pic?" tanong ko kay kuya Ken. Parang kung anong liga ang meron dahil maraming nagpapapic sa kanila.

        

My idol's idolWhere stories live. Discover now