Kapitulo 023

77 9 0
                                        


Mag uumpisa na ang laru nila Neo laban sa grupo nila John Marc. Bagu paman pumasok si Neo sa korte nila ay hinalikan muna niya ang kaliwang pisngi ni Kieth, napahiyaw nalang sa kilig ang mga taong nakakita sa ginawa ni Neo.

      

Nakita ni John Marc ang paghalik ni Neo kay Kieth at napangiti nalang siya dito.

     

“Goodluck sa’tin mga, Lodi!” aniya John Marc nang nagkamayan na sila ni Neo at napatawa nalang si Neo.

    

Naghiyawan na ang mga tao dahil mag se-serve na ang taga USC.

    

Mga minutong nakalipas ay lamang na ng kaunti sila Neo laban nila John Marc.

     

Nag serve na ang kagrupo nila Neo papunta sa korte ng USC, nakuha ito ni Kim at isinet ni Angel kay John Marc. Sa pagpalo ni John Marc sa bola ay si Neo at Derk ang nagblock pero nakapasok parin ang bola sa korte nila Neo, napahiga si Kenneth sa pagkuha ng bola pero hindi niya naabut ito.

    

Naghiyawan ang mga tagahanga ng USC dahil dito.

     

Agad namang linapitan ni Derk si Kenneth para alalayan sa pagtayu.

     

“Nasaktan kaba?” tanung ni Derk kay Kenneth habang inaalalayan niya ito sa pagtayo.

     

“Hindi naman.”

     

24 na ang puntos nila Neo at sa USC naman ay 22. Naghiyawan ang mga tao dahil sa mga puntos.

     

Nagserve na si Derk, nag jump serve si Derk at nakuha naman ng isang kagrupo nila John Marc, isinet ni Angel kay Kim. Si Neo naman at Derk ang nagblock, hindi nakapasok ang bola sa korte nila Neo dahil nakablock sila pero nakuha parin ni Kim ang bola. Naiset naman ito ng maayus ni Angel papunta kay John Marc, walang nakablock kay John Marc dahil sa bilis, kaya pinalo ni Marc ang bola ng malakas.

    

Walang nakakuha sa bola kaya nakapuntos ang USC.

     

Naghiyawan nanaman ang mga tao dahil dito.

    

Nag serve na ang kagrupo nila John Marc, nakuha naman ito ng maayus ni Kenneth at isinet ni Derk kay Kenneth, pinalo ni Kenneth ang bola at na not over ang bola na ikinagulat nila.

     

Nagulat si Kenneth dito at napasigaw nalang siya dahil sa pagkakamali.

    

“Okay lang ‘yan, Ken,” aniya Derk sabay tapik niya sa likod ni Kenneth.

    

Nagserve na muli ang kagrupo nila Marc dahil slide five ang laru. Nakuha ng kagrupo nila Neo ang bola, isinet ni Derk ng fade kay Neo kaya nagjoust si Neo at Kim at si Kim ang natalo.

     

Nadapa si Kim dahil sa pagjoust nila ni Neo kaya dalidali naman siyang linapitan ni John Marc at inalayan.

   

“Kim, sorry. Okay ka lang?" patawad ni Neo.

    

My idol's idolWhere stories live. Discover now