Ipaparada na sana ni Kieth ang kotse niya sa parking lot ng university nila nang may bigla siyang nabangga sa likod. Dali-daling naman siyang lumabas sa sasakyan niya para tingnan ang nabangga niya at isa rin itong kotse.
Nagulat at nataranta si Kieth dahil dito at mas nagulat pa siya nang may lumabas sa kotse.
Pagkababa ng lalaki sa kotse niya ay agad n’yang tinignan ang bahagi ng kotse na nasagasaan ni Kieth.
“Pu——-!” naputol ang sasabihin ng lalaki ng makita si Kieth.
Gwapo ang lalaki at kasing tangkad rin ito ni Neo na hanggang leeg lang si Kieth sa kanya. Maputi at mayaman ang dating.
Napayuko si Kieth ng tumingin ang lalaki sa kanya dahil sa hiya niya at kaba.
“Patawad... hindi ko sinasadya, babayaran nalang kita,” nakayukong aniya Kieth.
"Uhm. It's fine,” sagut ng lalaki.
“Ehh.. parang nagasgas kasi ‘yung kotse mo kaya babayaran ko nalang.”
Napatangiti ang lalaki. "No, it's very fine."
“Magbabayad nalang ako.” kukuha na sana si Kieth ng pera sa loob ng kotse niya ng hinawakan ng lalaki ang kamay niya dahilan ng pagkahinto niya.
"Don't."
Nakayuko parin si Kieth dahil sa hiya at napatingin siya sa kamay ng lalaki na nakahawak sa kamay niya. Binitawan ng lalaki ang kamay ni Kieth dahil napagtanto niyang nakatingin si Kieth sa kamay niya.
"No need. It's okay,” pagmamakaawa ng lalaki kay Kieth.
“Ehh——-“ naputol ang sasabihin ni Kieth ng may sinabi ng lalaki.
“Shush.. Pwede ka bang tumingin sa’kin?” tanung ng lalaki kay Kieth.
Tumingin si Kieth sa lalaki na nahihiya parin.
“You're cute,” bulong ng lalaki sa hangin.
"Uhm.. mauna na ako ah? Baka kasi malate pa ako sa klase namin," paalam ni Kieth.
Ngumiti ang lalaki kay Kieth at tumalikod na si Kieth para umalis.
“Wait,” pigil ng lalaki kay Kieth. "Number? Can I have your number?”
Napatigil si Kieth dahil sa gulat at pagtataka at nagdadalawang isip na ibigay ang hinihingi ng lalaki.
Humarap muli si Kieth para tingnan ang lalaki ng pagtataka. Nakangiti lang ang lalaki.
Inabut na nang lalaki ang cellphone niya kay Kieth at si Kieth naman ay nagdadalawang isip parin.
Kinuha ni Kieth ang cellphone na inabut ng lalaki sa kanya at itinype ang number niya. “'To..” sabay balik niya sa cellphone ng lalaki.
“Thanks," balik ng lalaki kay Kieth pagkatapus niyang kunin ang cellphone niya.
“Sige mauna na ako.” at tumalikod na nga si Kieth para umalis.
Hindi pa nakalayu si Kieth nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Napatigil si Kieth sa paglalakad at kinuha ang Cellphone niya na nasa bag niya.
‘Mag ingat ka😊’
Alam ni Kieth na ang lalaki ang nagtext nito, kaya hinarap niya muli ang lalaki at binigyan ng ngiti sabay na nag thank you sign sa lalaki.
Ngumiti nalang din ang lalaki dahil dito.
Habang naglalakad si Kieth sa hallway papuntang room nila ay nagtaka siya kung bakit maraming nakatingin sa kanya. Yumuko nalang si Kieth na naglalakad dahil sa hiya niya.

YOU ARE READING
My idol's idol
Sonstiges[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...