•Jurie Kieth Santiago's POV•
Kakapasok ko lang sa entrance nang makita ko si kuya Hence, napatingin siya sa'kin habang naglalakad pero umiwas kaagad at lumiko.
Hindi ko alam, pero ba't sa Com. Arts siya lumiko, ganoong nasa kabila ang BA. Umiiwas ba siya?
Baka siguro na nagalit siya dahil hindi ako ang nag-suli ng ID niya.
Patuloy parin ako sa paglalakad, sinundan ko lang siya ng tingin pero nawala rin nang matabunan ng building ang paningin ko.
Pagpasok ko palang sa room namin ay napatingin ako ka agad sa upoan ko at nakita sila Kenneth at Sam na nagkukulitan nanaman na parang mag jowa.
Pumunta na ako sa upuan ko at nakita ako ni kuya Ken na paparating kaya..
"Kieth.. manood ka ng trainer namin mamaya, ah?" aya niya sa'kin. Patuloy sa paglalakad papunta sa upoan.
Naalala ko ang bilin ni Mama pero napalitan dahil kay kuya Hence na parang nagtatampo.
"Mm.. manonood ako," nakangiting sagot ko.
"Para makita mo rin si Neo, doon."
"Oy.., umiibig na si mr. Maliit," kinikilig na sabi ni Sam sa'kin.
Inilagay ko ang tote bag ko sa desk.
Tumayo si Kenneth at umakbay siya sa'kin.
"Tutulungan kita para kay Neo, dahil nga magkaibigan ta'yo, eh." madiin nitong sabi sa'kin na nagpangiti sa'kin lalo. Apaka supportive naman niya.
"Si Ken talaga, oh. Ibigay muna sa'kin si Neo, plss.." pakiusap ni Sam kay Ken. Natawa ako.
"Hindi kayu bagay ni Neo!"
"Ehhh kayu ni Derk, bagay ba kayu?" balik na tanung ni Sam kay Ken.
Ano? Derk? Pamilyar.. 'Yong kaibigan ni kuya Hence.
Tumigil si kuya Ken sa pag akbay niya sa'kin at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Sam at sinabing, "Bagay na bagay kaming dalawa!"
Dumating na ang Prof. namin kaya nag siupoan na kami.
"Actually, Kit.. alam kung mas cute ka pa sa'kin.. pero pagdating ni Neo ay ipapaubaya ko na siya sa'yu.." bulong sa'kin ni Sam dahil meron ang prof. namin na nasa harap nagsusulat.
"Hindi ko naman siya gusto, eh.."
"Anung hindi gusto? Yung mukha mo, Kit, oh, kapag pinag uusapan natin siya ay parang namumula ka," dagdag pa ni Sam.
Biglang tumingin ang prof namin sa banda kung nasaan kami kaya dalidali inalayo ni Sam ang mukha sa gilid ko.
Free time ko ngayun at hindi ko alam kung anong pagkakaabalahan.
Nagtatampo sa'kin si kuya Hence, siguro.. humingi ako ng tawad sa kanya.
Nandito pa ako sa student launch na nasa harapan sa building ng BA, kita ko kaagad sila kuya Hence, may kausap, kasama na si Ryle doon.
Tumingin siya sa banda ko kaya yumuko kaagad ako at tumalikod.
Kinakabahan ako..
Humarap ulit ako at wala na sila sa labas.
Nagtatampo nga siya.
Hindi ko alam kung anong gagawin.
Bumalik nalang ako sa room namin dahil malapit na magsimula ang susunod na subject namin.
"Mabuti kapa, Kit, may free time ka, kami wala.." sabi ni Sam na parang nalulungkot.
"Kasalanan mo to Kenneth, eh." parang galit na dagdag ni Sam.

YOU ARE READING
My idol's idol
De Todo[Completed] Boy X Boy Sa laro ng ating buhay, kailangan natin ng bola. Bola bilang inspirarasyon. Neo is a boy volleyball player who is searching and waiting of his inspiration why he became a good player, that lost 6 years ago. Until Kieth enter...