Simula

48 9 10
                                    

"Hoy mga weakshit, Arat ML" bungad ko sa mga kaibigan kong nagbababad sa arawan, charot nasa beranda kasi sila ng bahay nila Estelle

"Tara! Tara! Mangtrashtalk ka!" Naeexcite na saad ni Sereia

"Sige ba, basta wag mong ipang-farm si Nana" natatawang saad ko

Well pagpasensyahan nyo na si Sereia dahil walang kamuwang muwang 'to sa mundo, charot. Bago pa lang s'yang maglaro ng mobile legends kaya hindi pa nya alam kung paano gamitin yung mga hero pero hindi ko lang mapigilang matawa kasi pinagfafarm nya si Nana sana nag farmville nalang sya

"Kapal ng mukha mo, kala mo naman di mo pinangfarm si eudora" sagot niya pabalik

Aba mukhang nag bonakid 'to nung bata s'ya ah, palaban. Sana sa ML din 😗✌

Inamin ko kasi sakanya na dati nung di ko pa masyadong gamay 'tong Mobile Legends eh pinagfafarm ko rin si Eudora. Ano bang malay ko? Ang importante buhay diba?

"Kaysa naman sayo, inistory mo pang mvp ka bot naman kalaban mo" i fired back

"Luh? Gagu?? Malalaman ba 'yon pag bot lang?" Saad nya at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha

"Oo naman!! Makikita mo sa pangalan nila" natatawang saad ni Lailah

Si Lailah ay isa sa nga mamaw 'kong friend. Si Estelle at Sereia naman ay parehong baguhan lang din, siguro nauna lang ako ng mga limang buwan na maglaro

Hindi nagtagal ay naglaro na kami, pinili ko si Eudora, syempre baka Eudora Godz 'to! Paseminar muna kayo sakin mag Eudora mga weakshit

Si Estelle naman ay pinili si Layla, Si Sereia naman ay si Zilong na ginagamit ang SS para makatakas sa kalaban at si Leilah, ang aming munting tagabuhat ay pinili si Chou

"Trashtalkin mo na agad-agad, Luana!!" natatawang saad ni Estelle


[All]Autumn(Eudora): qL to aLL >_<

[All]Autumn(Eudora): bot po ba kayo?

[All]Hakdog(Roger): Mukha ba? Tanginamo


"Minuro ako mga prend, report nyo 'yan ha! Verbal abuse" natatawang saad ko

Agad naman silang nagtawanan "Wala ka pala eh, mahinang nilalang ka pala eh! Nang rereport" natatawang saad ni Lailah

"De gagi, wala naman akong pake sakanila, para lang magkapenalty sila" saad ko habang tumatawa


[All]Autumn(Eudora): Luh nagtatanong lang eh???! Bat ka nagagalit

[All]PrincessNyo03(Angela): May bot bang nagchachat?

[All]Autumn(Eudora): Oo meron, Ikaw.

[All]PrincessNyo03(Angela): K. Pangit mo

"Luh prend pangit ka raw!" Tuwang tuwang saad ni Sereia

Luh tuwang tuwa pa talaga siya? Basher talaga

[All]Autumn(Eudora): luh may nagsasalita palang pwet

Kapal ng mukha netong Angela 'to baka nga mas maganda pa buong pagkatao ko kaysa sakanya. Dadagdagan ko pa sana ang sinabi nang biglang;

You have been muted!
You have been muted!
You have been muted!


"Aba potanginaka, halika dito at susungalngalin kita" saad ko habang hinahabol ang hero niyang si angela sabay stunned sakanya at sabay pindot sa first skill at SS ni Eudora para kidlatan siya

You have slain an enemy

"Teluk ka ha!" Natatawang saad ko

Hindi nagtagal ay natapos ang laro namin, syempre sino pa ba ang panalo? Syempre kami. Kampi ba naman namin si Lailah ang aming munting tagabuhat

Natapos ang laro sa 48-9. Agad naman akong nag-tipa ng pang-aasar kina Roger at Angela

Autumn: Roger and the chocolate factory

PrincessNyo03: Kelan mo ba titigilan pag e-ml mo autumn?

Autumn: No,PrincessNyo03!! Kelan mo ba titigilan pag e-ml mo?"

PrincessNyo03: Kapag maganda kana

Autumn: Oh edi quit ml kana, now na.

Hindi na sumagot pa si PrincessNyo03 nag delete na ata ng ML niya tss,,, kapag daw maganda na ko? Gurl???! Di ka ba nainform na since birth maganda na 'ko, Sana ikaw rin.

Maglalaro pa sana kami ulit ng biglang may tumawag sa pangalan ko na nagpayanig sa buong pagkatao ko "Cassidy Luana!" Shet!!! "How many times do I have to tell you na huwag kang lalabas ng bahay? Walang kasama si Chewy."

"Uy bro! Nakabalik ka na pala agad!" nanginginig kong saad

"What? Bro?" takang tanong ng kuya ko

"Uu like, brother? Heheh" saad ko at pilit na ngumiti

"Bakit ka lumabas? Mag-isa lang si Chewy dun sa loob ng bahay, pano pag may nangyareng masama sakanya?" Galit na saad ng kapatid ko

Chewy... yung alaga nyang aso 😭😭😭

"Kuya, tulog naman siya-" hindi pa 'ko tapos sa sasabihin nang magsalita ulit siya

"I don't care. What are you going to do when something happens to her?"

"Kuya, she's in her cage naman." dahilan ko,,, well totoo naman eh tulog siya and she's in her cage naman talaga sa loob ng kwarto ko tapos naka aircon pa at may sapat na pagkain at tubig

Umalis na siya at iniwan na ako doon, agad naman akong nagpaalam sa mga kaibigan

"Alis na nga ako, mamaya na tayo makipagbardagulan sa mobile legends" natatawang saad ko

"Kaya di ka inaaccept ng kuya mo sa squad nya eh lagi mong hinahighblood" natatawang saad ni Lailah

"Ilang buwan kanang nagpapasa ng form sa squad nila, prend anuna." Tuwang-tuwa na saad no Estelle

"Prend, magulat ka bukas kasali na ko sa squad nila" pagyayabang ko kahit na wala naman akong kasiguraduhang makakasali ako sa squad ng kapatid ko

Isa kasi ang squad ng kapatid ko sa top squad ng bansa at tanging magagaling lang daw ang pwedeng makasali dun,,, like hello???? Hindi pa ba 'ko magaling???? Hindi pa ba ko magaling mang trashtalk? 😭 lol mareng camille paturo naman retsam

"Sa squad ka nalang kasi namin sumali, Luana!" Suggestion ni Sereia at natatawa-tawa pa

"Luh? hindi na no" pang-aasar ko "mamaya maging first pa kayo sa pinaka magaling pag sumali ako sainyo eh, ayoko namang kalabanin yung kapatid ko"

"Kapal ng mukha nya oh????" saad ni Estelle "Ang sabihin mo andun lang si Levi!" saad neto at makabuluhang ngumiti

"LUH?!!! PANO MO NASABENG CRUSH KO SI LEVI? HINDI KO CRUSH SI LEVI HA! SINUNGALING KA"

"Wala namang nagsabeng crush mo si Levi ah" natatawang saad ni Lailah at sabay-sabay pa silang tumawa

Agad din naman akong natawa, like alam ko namang walang nagsabing crush ko si Levi kasi di ko naman talaga sya crush. Baka siya pa nga ang may crush sakin joke lang ako lang 'to goiz

"Bye na nga mga loser palibhasa hindi kayo crush ng crush nyo" saad ko at akmang aalis. Sasabat pa sana si Sereia pero agad kong pinutol "Wag mo nang ituloy, kase you know I can't relate wala akong crush at sila ang may crush sakin" pagbibiro ko

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon