Cancer
Lumipas ang buong linggo ng klase namin ay hindi ako nag Mobile Legends sa school dahil sa nangyaring nakakahiya noong nakaraang martes. Sa sobrang bilis ng panahon eh feeling ko pumikit lang ako saglit at sabado na kaagad...
Alas-kwatro na ng hapon ng lumabas ako at pumunta sa bahay nila Estelle para tumambay sa terrace ng kanilang bahay
"Ml na! Ml na!" Bungad at naeexcite kong saad sa mga kaibigan
"Wow? Ilang days ko rin 'yang hindi narinig sayo ah?" Saad ni Lailah sa hindi makapaniwalang tono, grabe kung artista lang 'tong si Lailah ay paniguradong mananalo ang isang ito ng Best Actress award, Ang galing umarte eh kinabog si kathryn...
"Syempre study first ako, Wag ninyo akong igaya sainyo mga batugan..." pagbibiro kong saad sa mga kaibigan
"Ulol! Wag kami! Kahit nga may klase eh, nag e-ml ka!" Sabat naman ng nag bonakid na si Sereia, napaka palaban eh
Dati 'yon hindi na ngayon, hmp!
"Ang sabihin mo eh kabado ka parin hanggang ngayon, dahil sa sinabi mo-" agad ko namang pinutol sa pagsasalita si Estelle
Estelle dapat kanang manahimik, masyado ka nang maraming sinasabi...
"Pssh! Faith news..." kung nandito lang ang kuya ko eh icocorrect nanaman ako noon, sasabihin nanaman no'n It's fake news not faith news, idiot. Wala talagang kaalam-alam sa mga memes ang isang iyon sa internet.
"Atsaka, please! Ayoko nang alalahanin pa 'yon!" Dagdag ko at may pa pikit-pikit effect pa habang ang index finger eh nasa harapan ng mga labi ko, sign na dapat na silang manahimik bago pa mandilim ang mga paningin ko sakanila :))))
"Oh sige na nga, kawawa naman ang isang 'to eh, mukhang tuwing sabado at linggo nalang makakapag-ML, sa school ligwak na..." Saad ni Sereia
"Hindi mo sure..." saad ko naman habang ino-online ang ml ko sa cellphone
"Tara na game na!!!!" Sigaw ni Estelle
"Sige na nga, basta ba man-trashtalk ka, Luana..." pandedemonyo ni Lailah
"Sige lang, basta ba ipanalo ninyo?" Natatawa ko namang saad
"Oo naman! Samin? nagdududa ka? Ang kapal naman ng mukha mo pre..." saad ni Sereia
"Psh... hindi counted ang opinyon kapag ginagawang pantakas ang SS ni zilong..." natatawa kong saad
At agad naman sumagot ang isang ito, aba may baon "Ikaw rin naman, ginagawa mo ring pantakas yung SS ni Miya!" gagu sapul ako dun bes,,, di naka ilag 😀👍
Agad naman kaming nagtawanan. Hindi nag-tagal ay nagsimula narin kami. Namimili kami ng hero nang may naisipan at isinuggest si Estelle "Open mic kaya tayo?"
"Ay oonga! Tara! Tara!" Excited naman na saad ni Sereia at lumulundag-lundag pa sa upuan niya
"Magkakatabi lang kaya tayo! Hello? Okay lang kayo?!" Pagtutol naman ni Lailah
"May point ka d'yan pre, tayo lang talaga ang may point sating magkakaibigan, hays we only have each other..." saad ko sa nang-aasar na tono
"Dali na kase!!!" Pagpipilit naman ni Estelle, ayaw talaga papigil ng isang 'to, parang di sila laging naka-open mic ni kuya calv- uh nevermind...
Diba parang mga sira lang? Magkakatabi lang kami pero gusto parin nila na mag open kami ng mic.
Pagkatapos naming mag open ng mic ay naglayo-layo kami para kunware ay hindi kami magkakasama. Sa apat na sulok ng terrace kami nila Estelle nakapwesto at kung may makakakita man samin ay iisipin netong magkakagalit-galit kami dahil nga magkakalayo-layo kami
Nagsimula na ang game at agad naman akong nagsalita "Hi prends!!! Kamusta dyan sa abroad?" Bungad ko
Agad naman kaming nagtawanan,,,
"Hoy, Estelle! Top ka, ikaw si Esme diba? Bat ka nandito, alis!" Utos ni Sereia na nasa bot, gamit niya kasi si Zilong
"Ay oonga! Bobo ba't ako nandito?!" Tanong naman si Estelle sa kashungahan niya
"Ganyan ba talaga pag-ano..." aasarin ko na sana siya kaya lang kitang-kita ko ang titig niya ng masama galing sa kabilang banda ng terrace nila
"Huh? Pag ano?" Tanong ni Sereia habang seryosong nagpupush sa bot
"Pag kulang sa tulog... diba heheh kulang siya sa tulog..." saad ko naman at hindi na itinuloy ang pang-aasar dahil rank game 'to at baka mag-afk pa yan bigla
Hindi naman nagtagal ay nabasa namin ang chat ni Fanny, na kakampi namin na hindi namin kilala at kung saang planeta ba 'to nang-galing
[All] Fannæzing(Fanny): egul, puro babae kampi cancer 'to panigurado. Talo kami neto
Ang kapal ng mukha ng isang ito na ipagsabi pa sa kabilang team na babae kami?! Eh ano naman? di niya ba alam ang GIRL POWER
"Loh? Pota cancer daw tayo sabi ni Fanny!" Saad ko at agad na nagreklamo sina Lailah, Estelle at Sereia
"Aba bobo ka ha? Kapal ng mukha neto..." pagrereklamo ni Estelle
"Fanny di mo ba kami kilala? Anak ako ng mafia boss, gusto mo ipa-ban ko 'yang account mo kay daddy?" Pag-bibiro ni Lailah at agad naman kaming natawa
"Kung pwede lang pumatay ng kakampi eh..." Dagdag pa ni Sereia mabangis
Hindi nagtagal ay nanghingi ng back-up si Fanny sa amin, para tulungan siya sa turtle
"Wag nyo tulungan 'yan mga pre, cancer daw tayo eh, gagu... scorpio zodiac sign ko eh alam ko, nabago na ata?" Pagbibiro at pang-aasar ko kay Fanny
Alam ko naman ang tinutukoy niyang cancer at hindi ang zodiac sign, pero alam nyo na gusto ko lang asarin
"Wag nating back-up-an! Cancer pala ha! Ngayon, magpapaka cancer talaga kami sayo!" Pang-aasar naman ni Sereia
Hindi nag-tagal ay wala talagang ni-isang nang back-up saamin kay Fanny kaya hirap na hirap din siya sa laro,,, hanggang sa nag sorry siya at hindi namin siya pinansin... Cancer pala ha, 'yan ang gusto mo diba.
Hindi nagtagal ay natapos ang laro at ako ang MVP dahil ako ang pinaka maraming assist at kills, well nang-ks lang naman ako sa mga prends ko, pero ang importante naman ay namatay ang kalaban hindi ba? 😗✌
JOKE LANG AKO NGA KINE-KS-AN NILA!!! KATARUNGAN NAMAN PARA SAKIN HINDI BA???!
Nananahimik kaming naglalaro dito tas porket babae yung naglalaro eh cancer na agad? Kapal naman ng mukha neto... akala mo naman kung sinong magaling
❥αυƚυɱɳ(Eudora): fanny, sensya na kung cancer kami ha...
❥αυƚυɱɳ(Eudora): uy fanny, sensya na talaga pre
Fannæzing(Fanny): pwede ba manahimik ka na?
❥αυƚυɱɳ(Eudora): sorry na nga kasi,,, promise sa susunod di na namin gagalingan para di ka mapahiya...
Fannæzing(Fanny): irereport kita
❥αυƚυɱɳ(Eudora): subukan mo!!! Na-banned yung avatar ko ng 30 days for idunno-the-reason is.
❥αυƚυɱɳ(Eudora): pag na-ban na ulit 'yan, sinasabi ko sayo. Mag quit kana sa bohai mo...
Fannæzing(Fanny): Joke lang retsam,,, anws Scorpio ka pala? Perfect match pala tayo, Pisces zodiac sign ko eh
Ano kayang pake ko kung pisces siya?!
❥αυƚυɱɳ(Eudora): Wag kang maharot d'yan. Bawal akong lumandi, masyado kayong pangit para sakin
Agad naman akong natawa sa pang-aasar ko, well hindi ko naman mine-mean na pangit siya, nang-aasar lang talaga 'ko 😗✌At sa katunayan nga na may itsura ang nasa avatar niya,,, baka siya talaga 'yon...
Fannæzing(Fanny): ouch :(( grabe naman
Nag-left nalang ako sa kadahilanang hindi ko na kinakaya ang kaharutan ng fanny na 'yon, akala niya ba nakikipag-flirt ako sa kanya? Bakit si Apollo- I mean, Si Levi ba siya? #BalikLoob
Tangina, Apollo. Kailan kaba aalis sa isipan ko?!
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...