Poide kabang jowain?
"Ano? Grand Master II kana?! Ba't ang bilis?!" Hindi makapaniwalang saad ko
"Hahahaha yeah, ang tagal mo eh." Saad niya habang tumatawa "Pero it's fine at least muntik na kong mag Epic kagaya ng gusto mo."
Grabe miski pagtawa niya ang sexy 😭 poide k bang jowain 'yang boses mo? Kung inde sge saksakin nyo nalang ako sa leeg
"Ay oo nga pala! Sorry ang bagal kasi ng partner ko eh parang pagong kung kumilos." Saad ko sa pa-sweet kong boses #SweetGurlLungs
Syempre kailangan natin ayusin yung tono ng pananalita natin, ang gwapo gwapo ng boses niya eh tas ang hot pa kapag tumatawa tapos pag dating sakin, yung boses ko parang siga lang sa kanto 😭 HUSTISYA NAMAN PO OH?!?!?
"Joke lang baliw... Mas importante yan para sa future..." saad ni Polo sa chill niyang boses
Yes baby, para sa future natin <333
GAGO ANO RAW BABY??? OHHHMYGODFGH ANG HAROT
JOKE LANG 'TO GOIZ WAG N'YONG SERYOSOHIN
"Pero hindi nga?! Bat ang bilis mo?! May cheat yan 'no? Paturo naman, Charot." Pagbibiro ko sa kay Polo "Ang bilis kasi talaga, It doesn't sit right with me."
Dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala kasi ilang oras lang simula nung umalis ako Elite palang siya kanina tapos biglang ngayon, Grand Master na kaagad siya?!
"Tinry kong 10 minutes lang every rank game eh, and it worked." Saad niya at bakas mo naman sa pananalita niya na nakangiti siya habang sinasabi niya 'yon
Grabe happiness na niya talaga 'ko agad <3333
"Gago ang galing! Tara nga buhatin moko sa rank game!" Saad ko sa sobrang amazed na tono
"Akala ko ba ako ang bubuhatin mo?" Saad niya sa kabilang linya habang tumatawa
"Ay oo nga pala? Gusto mo ibalibag pa kita eh." Tawang-tawang saad ko "Hahahahah kidding..." Pagbawi ko sa sinabi, dahil mahirap na baka ako pa ang mabalibag ng isang 'to
"Oh? wild..." He said in the middle of his chuckles "I kinda like that."
"Huh???-"
"I mean, I like WWE hahah alam mo yun diba? Balibagan dun." Dagdag pa niya at halata mong tumawa siya sa plastic niyang tono
Cute :))))
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at kaagad na ini-start ang game dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya.
Kaagad namang nagsi-enter ang mga kalaban at kakampi namin kaya kaagad na akong namili ng hero na gagamitin.
Hindi nagtagal ay nagsimula na kami, at as expected Eudora ang hero na ginamit ko habang siya ay si Gusion
Nagulat din ako ng eleven minutes lang ang laro namin at kami ang nanalo, bilib na bilib naman ako sa kanya maglaro dahil mala-pro ang galawan niya, nahihiya nga lang akong mag tanong kung smurf account niya nga lang ba ang account niyang 'to.
Inabot kami ng madaling sa paglalaro ng ML at mabuti nalang talaga na linggo bukas at walang pasok.
Hanggang sa umabot na siya ng Epic at puro kami Win Streak simula nung naglaro kami kanina
In-invite ko naman siya para sa huling laro ng rank game dahil medyo antok na rin ako. Draft-Pick na ang rank namin dahil epic na rin siya. Epic V siya habang ako ay pa legend na.
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...