Kabanata 11

13 2 42
                                    

User ❥αυƚυɱɳ vs User 𝐩𝐨𝐥𝐨•|卡德

[All]❥αυƚυɱɳ: saan ba kita iinvite? Sa laro o sa buhay ko?

Agad namang naghiyawan ang tatlo pagkabasang pagkabasa nila ng sinabi ko "LUH ANG LANDI MO!!!" Saad nila at binatuk-batukan pa 'ko

Grabe required bang mambatok kapag kinikilig????! Oh baka may galit lang talaga sila sakin???! 😭 SABIHIN NYO NA HABANG MAAGA PA, CHAR

[All]𝐩𝐨𝐥𝐨•|卡德: Pwede bang sa buhay mo nalang?

LUH GAGO ANG HAROT!!! PAKASALAN KITA DYAN EH

[All]𝐩𝐨𝐥𝐨•|卡德: joke lang hahah, finollow na kita pa-follow back nalang

SABAY BAWI AMPOTA BASAG TRIP

Agad ko naman siyang finollowback sa ml at kaagad na chineck ang profile ng account niya.

Wala naman akong nakita sa account niya, Animé ang avatar nito at walang bakas ng mukha niya. Sayang, hindi ko tuloy makikita kung gwapo ba ang isang ito 👉👈

Sa sususnod nga ay papalitan ko na ang Avatar ko ng sailor moon, syempre yun lang naman ang kilala kong animé at para rin same kami ng avatar heheh yiiie couple avatar 🤭 charot di ko nga kilala kung sino ang isang ito...

Agad ko naman siyang ininvite sa custom-classic dahil nga 1v1 kami, agad ko naman siyang inutusan na i-open niya ang mic niya, HELLO??? FUTURE KUMANDER HERE?!! Joke ang feeling

Agad naman akong nag-salita dahil isa akong bida-bida "Elite ka palang pala? Ang hina mo pa pala... palakas ka muna."  Biro ko sa kalaban

Muntik-muntikan na kaming mahulog sa mga kinauupuan namin ng marinig namin ang tawa niya sa kadahilanang sobrang gwapo ng boses niya...

Pero may kasabihan nga diba? Na kapag gwapo ang boses ay kabaligtaran iyon ng itsura niya???? Pero wala akong pake,,, naiinlove ako sa boses niya...

ETO BA YUNG TINATAWAG NILANG LOVE AT FIRST HEAR??? <3333

CHAR MAY GANON BA HEHEHEH 😗✌

Agad ko namang mi-nute ang mic ko at agad na nag-salita "ANG GWAPO NG BOSES!!!!" kilig na kilig kong saad

"Gago, papakasalan ko na 'yan!!!!" Saad ni Sereia

"Eh kung sakalin kaya kita???! Akin 'to humanap ka ng sayo!! Tss aagawin mo pa." bwisit na saad ko kay Sereia. Grabe balak pa 'kong agawan???!

"Joke lang retsam! Galit ka naman agad, nadala lang ng lukso ng damdamin." Tatawa-tawa niyang saad "lukso? Bugso? Ewan ko basta 'yon."

Hindi naman nag-tagal ay nagsimula na kaming maglaro. Ginamit niyang hero ay si Lesley samantalang ang ginamit ko naman ay si Eudora

"Mag-tago ka sa damo! Mag-tago ka sa damo!" Saad ni Lailah sa gilid ko habang nanonood siya sa kanyang cellphone dahil referee silang tatlo "Papunta na siya d'yan..."

"Wag kayo ma-ingay." Pabulong kong saad sa tatlo "Naririnig niya tayo! Naka-open mic tayo, remember?"

"Dinuduga nyo ba ko? Naririnig ko kayo eh." natatawang saad ng nasa kabilang linya na si Polo

Gwapo talaga ng boses!!!

At tuluyan na nga pong nahulog ang pula kong... ang pula kong puso kasi,,,, baka kung anong iniisip nyo d'yan ha...

Polo? I wonder if that is his real name or just his in-game-name? 'coz it's kinda new to my ear...

meron ngang medj kapareho, pero double L naman yung kanya sa kanya... HAY NAKO BAT BA NAISIP KO NANAMAN YON???!

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon