Date
"Hindi ka kakain ng pancit canton ha? Nagpaluto pa naman ako." Pagbabanta ni Estelle
Grabe hirap naman biruin ng isang 'to parang hindi kaibigan 😭
"Luh? Di kana mabiro! Sweet and Spicy sakin ha?" Saad at pag-iiba ko ng usapan at tumawa pa sa pekeng tono "Atsaka kailan ba 'ko gumastos d'yan sa ml na 'yan? Alam nyo namang nasasayangan ako kapag magpapaload ako! Sayang pera heheh." Pag-iiba ko ng usapan at baka hindi pa makakain ng pancit canton
Dignidad <<<<< ✨Pancit Canton✨
Hindi nagtagal ay inabot na kami ng 9:00 PM at hindi parin kami tapos sa mga ginagawa, shet kailan ba matatapos ang lahat ng 'to!
"Shet 9 na pala, nagugutom na 'ko." Simple kong saad sa kaibigan "Bilisan mo na kasi Sereia!" Pandadamay sa nananahimik na kaibigan na ubod ng bagal
"Wow kaka-kain lang natin ng pancit canton ah? Atsaka tulungan mo kasi ako!" Saad neto sa naiinis na tono
Aba ang kapal din ng moccha ng isang ito?! Nakakahalata na ko ha? Kanina ko pa siya tinutulungan!!!
shuta talagang bohai 'to oh
"Kanina pa kita tinutulungan d'yan at parang ako na ang gumawa ng part mo ah?! Estelle ibagsak mo ang isang 'to sa research!" Pang-aasar ko sa kaibigan
Kaagad naman rumebat ang isang ito sa mabait niyang tono, wews feeling mabait ako lang ang naman mabait dito. "Eto na nga oh, bibilisan na! Siguro kung wala ka lang kadate-"
Kaagad ko namang pinutol ang sasabihin ni Sereia dahil isa siyang naglalakad na balitang fake news "Gago ano? Date?! Wala akong date! Anong oras na oh? Boang."
"Oh talaga? Polo..." simpleng saad ni sereia at may pag titig pa ng makabuluhan
Pagka-banggit na pagka-banggit ni Sereia sa pangalan ni Polo ay biglang pumasok sa isip ko ang usapan namin ni Polo na maglalaro pa nga pala kami ngayong 9!!!!
"Ay gagi oo nga pala!!!! Pota nawala sa isipan ko, dalian mo na d'yan!" Pagmamadali ko kay Sereia, damay-damay na 'to.
ANONG KARAPATAN KONG KALIMUTAN ANG LOVE OF MY LIFE KO?!?!?!
LOML kaagad eh no? YES PO OPO GANON PO AKO KAHAROT :))))
"Oo eto na! Hays ganda lang talaga ang mai-aambag ko, pasensya na ha?" Saad ni Sereia.
Ang kapal din ng isang ito ha? Saan ba siya humuhugot ng ka-kapalan ng mukha niya?
Pero hindi ko na isinatinig pa ang mga iyon, sa kadahilanang nagmamadali na nga ako at 9 PM na
Agad namang tumigil si Lailah at Estelle sa ginagawa at kaagad nilang tinitigan ng nakaka-asar si Sereia, hays kawawang sereia...
"Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo, huy..." Pang-aasar ni Lailah kay Sereia
"Totoo nga ang ganda-" Dagdag pa ni Estelle na hindi mo alam kung nang-aasar oh ano "Kapag nakatakip yung mukha."
Ay confirmed, mga kanang kamay nga ni satanas
Agad naman akong natawa at sumabay na rin ang dalawa sa pagtawa. Habang si Sereia ay galit na atsaka sinasamaan na kami ng tingin
Ba't ako nadadamay sa mangangain niyang tingin? Natawa lang naman ako eh, BAWAL NA BA MATAWA?!
"Mga basher kayo!!! Kapag inggit pikit, hmp!" Galit na galit at gustong manakit na saad ni Sereia
"Hoy! Ang sama ng ugali nyo, maganda naman si Sereia ah?" saad ko sa bait-baitang tono heheh good gurl na medj plastic here char 1/3
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...