Aldog and friends
Pagkatapos noon ay naglaro lang kami ng naglaro, at hindi na nakipag-away pa dahil nga Rank Game ito at kailangan naming mag-seryoso.
Si Estelle at Sereia ay pareho ng Grand Master sa kadahilanang pina-pilot ni Sereia ang ML niya sa pinsan niya para makasali siya saamin kapag nag-rarank game kami, habang si Estelle naman ay 👀... may ka-duo...
Habang ako naman at si Lailah ay pareho ng epic. Hindi na 'ko magmamalinis at sasabihin ko na ang katotohanan, kaya ako naka-abot ng Epic ay nagpapabuhat din ako sa kuya ko at ka-parehas ko na ng rank ang smurf account ni kuya calvin. At sure din akong hindi lang ako ang binubuhat niya sa ml... pero hindi nalang ako magt-talk 😗✌
"Ang boring ng mga recent games natin, masyado tayong seryoso..." pag-rereklamo ni Estelle
"Cassidy Luana, It's time..." saad ni Sereia sa palaban niyang tono at agad na tumingin sa akin
Agad naman akong sumang-ayon sakanila "kayo na bahala magpa-panalo at ako naman ang bahala mang trashtalk" tuwang-tuwa kong saad sa mga kaibigan
"Luana, Wag kang kabahan, para saan pa't nandito ako!" Pagyayabang naman ni Lailah
Pagka-enter na pagka-enter namin sa game ay agad na akong nagchat
[All]❥αυƚυɱɳ(Eudora): Hai
[All]❥αυƚυɱɳ(Eudora): Bot po ba kayo
Agad namang sumagot ang kabilang panig,,, aba mukhang nag-bonakid din ang mga 'to ah? Mga palaban... tatanong lang ako eh
[All]◇Pla¥bøy◇(Miya): hulaan mo
[All]Fruittzy(Layla): Ikaw? Di ka ba lab ng mama mo?
Loh ano kayang connect??? Paki comment naman kung alam nyo, tnx 😗
Agad din naman akong sumagot, hindi dahil nag bonakid ako, kung hindi dahil baka si Luana to?!!!! Hello????!
Agad ko namang ibinalik ang tanong nila sakin
[All]❥αυƚυɱɳ(Eudora): hulaan mo
Pang-gagaya ko kay Miya. Hindi nagtagal ay hindi na sila sumagot, hindi ko narin sila pinansin at nagfocus na lang ako na patabain si Eudora at 'saka na makipag-away sa kalaban
[All]johnxmichael(Harley): Galit na galit naman Carmilla nyo
"Luh, prend? Galit na galit ka raw oh sabi ni Harley..." pang-gagatong ni Estelle
"Luh? Payag ka nun, pre?!" Sagot ko naman at natatawa na dahil sa pang susulsol namin
"Hayaan nyo siya..." Nangingiting saad ni Lailah habang naka-focus parin sa pag-lalaro
"Loh?! Hina mo naman!" Pagrereklamo ni Sereia kay Lailah, na akala mo kung sinong sakalam eh isa lang naman syang mabangisxz
"Mga prends? Wag kayo mag-alala para saan pa't na buhay ako?!" Saad ko sa mayabang na tono
Lailah, itabi mo. Ako na...
[All]❥αυƚυɱɳ(Eudora): Syempre, galit siya sa mga bot...
"HAHAHAHAHAHHAHA GAGO KA!!!" tuwang-tuwa nilang saad
At talagang hindi sila nag patalo dahil sumabat pa ang isa nilang kakampi
[All]døgbiřđ(aldous): seryosong seryoso naman kayo, laro lang 'to
[All]❥αυƚυɱɳ(Eudora): Mga linya ng bot
Sobra namang nainis si Aldous sa sinabi ko na hanggang sa makalipas ang limang minuto eh galit na galit parin siya sakin at kung ano-ano na ang mga pinagsasabi. Chill ka lang lods, ako lang 'to oh
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...