Kabanata 6

24 3 50
                                    

Happy

Pagkatapos ng tournament ay kumain lang kaming lahat sa isang buffet at pagkatapos ay napagdesisyonan nang umuwi na. Hindi na iinom pa sila Kuya Calvin sa kadahilanang may pasok pa bukas

Nauna naman ako sa sasakyan at naiwan pa sa loob ng buffet sina Sereiah, Lailah, Estelle at Kuya Calvin at hindi ko alam kung ano pang ginagawa ng apat sa loob

Naunang lumabas sina Lailah at Sereiah na agad ko namang sinigawan "Mga prends!!!!"

"Oh?" Sagot nila pabalik

"Asan na kuya ko?" Tanong ko pabalik "taeng-tae na 'ko" bulong ko at hindi na isinatinig pa dahil nakakahiya

"Palabas na!! Bye!!" Sagot nila at saka pumasok sa sasakyan nila

Nag-bye pa talaga, parang di magkakapit-bahay! 🤦‍♀️

Ganto kasi 'yan, Si Kai, Kyler, Estelle, Sereia at Lailah ay mga childhood friends namin ni Kuya Calvin. Magka-kapitbahay kami sa subdivision na ito at hindi magkakalayo ang mga bahay namin. Kaklase ko rin ang tatlo (Sereia, Lailah at Estelle) at pare-pareho kaming grade 12 na. Habang sina Kuya Calvin, Kai at Kyler ay pare-parehong 2nd year college na.

Hindi nagtagal ay lumabas na ng buffet sina Kuya Calvin at Estelle na parehong malaki ang ngiti sa labi. Hinatid naman ni Kuya Calvin si Estelle sa sasakyan nila at tsaka pumunta dito sa sasakyan namin

"Kuya Calvin, ang tagal mo naman!" Pagrereklamo ko sa kapatid pagkapasok na pagkapasok ng sasakyan

Agad namang napawi ang ngiti niya nang marinig ako "Huh? Ay sorry..." saad niya sabay ayos ng upo

Anong meron sa lalaking ito?

Hindi na 'ko sumabay pa kina Lailah, dahil kay kuya Calvin na ako sumabay, at may dapat pa akong malaman tungkol sakanila ni Apollo...

Apollo talaga??? As in??? Hindi ako curious kung anong meron sakanila ni Estelle???? Sure na ba ko d'yan???

"Kuya Calvin..." saad ko

"Oh?" Sagot nito pabalik habang hindi parin inaalis ang tingin sa kalsada at pagd-drive

"Diba magkalaban yung squad niyo ni Apollo? Ba't mo kinakausap 'yon?" Asar kong tanong

Tinignan niya lang ako ng makabuluhang tingin ang ngumiti "Bakit? Bawal ba?"

"Hindi naman, pero kasi-" hindi pa 'ko tapos mag-salita ay pinutol niya kaagad ako at agad niyang ibinaling ang tingin sakin imbes na sa pagd-drive. Buti nalang at nag red light kaya nakahinto ang sasakyan

"Why? Did he ghost you?" tanong niya at nakataas na ang kilay

"What? Ofcouse not!!!" Mabilis kong saad. Kapal ng moccha,,, ako? Mag-ghost? Wish mo lang, sa ganda kong 'to.

Agad naman itong natawa at sabay sabing "Or... he rejected you?-"

Ako??? Marereject??? Edi tangina 🙂👍

"Ano? ANONG PINAGSASABI MO DYAN KAPATID NA CALVIN? SINUNGALING KA! ISUSUMBONG KITA MAY MOMMY! KUMATOK KA NGA! PAG 'YAN NAGKATOTOO HA!" Asar at sunod-sunod na saad ko "ATSAMA WALANG GANUN, OKAY?"

"Then why are you mad? At umiwas kapa talaga kanina nung tinawag kita..." saad niya sa nang-aasar na tono "Meganon, biglang lumihis ng daan?"

Wow, hobby ba nilang bwisitin ako araw-araw? Sa mga mukha palang nila asar na 'ko eh... jk 😗✌

"Kahit nakita ko si Levi kaya lumihis ako ng daan? Atsaka pwede ba kuya? First time ko lang 'yon makita, pwede ba?" Palusot ko "Atsaka bat mo ba iniiba yung usapan?!" Pagalit ko nang saad. Gigil na gigil na talaga 'ko, kung pwede lang mamektus ng kapatid...

"Oh, hindi na nga! Ba't kaba kasi nagagalit." Natatawang saad niya at itinuon na ang atensyon sa daan dahil nag green light na

"Eh kasi, sunod-sunod ka niyang pinapatay eh!" Reklamo ko at atsaka tumingin nalang sa kalsada "kaya nainis ako..."

Agad niya namang kinurot ang pisngi ko at inirapan ko lamang siya "Ganun talaga, ganun din naman nung last game namin, di ka kasi nanood nung mga past laban namin, kapag mataba na yung hero niya, ako na ang target noon."

Ah ganoon ba?? Akala ko pa na crush niya ako at na love at first sight na siya sakin, at akala ko pa eh nagselos siya kasi narinig niya 'kong sumigaw ng 'Go baby, Levi!' #Awts #Pain #Pighati

"At tsaka ako lang ba? O pati rin si Levi? May nakapagsabi kasi saking crush mo si Levi." Dagdag pa nito

Isa lang ang sigurado ako, SI ESTELLE ANG NAGSABI NIYAN SA KUYA KO...

"Parang kilala ko yung nagsabi sayo n'yan..." makabuluhan kong saad

"Oo, si Kai..." saad naman neto habang nagd-drive "At wag mong ibahin ang usapan, so crush mo nga?" Saad niya habang nangingiti

Ang Kai na 'yon???? Sa mala anghel mong mukha, may tinatago ka rin palang kachismosohan...

"Sakto lang..." nahihiyang saad ko heheh enebe pereng sere "Eh ikaw? Ano kayo ni Estelle?" Pag-iiba ko ng usapan

"We're good... friends." Saad neto at natulala saglit na para bang may naalala at sabay hawak sa cheeks niya at 'saka ngumiti...

"Ay nag hesitated" bulong ko "pakitawag naman si Ed Caluag..." dagdag ko

"Huh? Sino 'yon? At bakit?" Sunod-sunod niyang tanong

"May nararamdaman akong kakaiba..." saad ko pabalik

Agad naman etong tumawa "Wala naman, baliw..." saad neto at at kitang-kita ko ang napaka laki niyang ngiti hanggang ngayon habang nagd-drive siya...

Grabe first time ko lang siyang makitang ngumiti ng ganyan... Does Estelle really makes him happy???

Agad naman akong napangiti habang nakatingin sakanya, dahil sa tingin ko naman masaya siya sa kung anong meron sakanila ni Estelle sa ngayon, hindi ko muna sila kukulitin kung anong meron sakanila at rerespetuhin ko muna 'yon. Sa ngayon, isa lang ang sigurado ako, Masaya sila...

ngi sanaol

Hindi nagtagal ay nakauwi na kami, hanggang sa pagdating sa bahay ay todo ang ngiti nito... grabe Estelle,,, anong ginawa mo sa kapatid ko?????

Agad ko namang binasag 'yon dahil may isa pa akong katanungan,,, heheh sensya na tao lungs...

"Kuya, hindi pa 'ko tapos!" Saad ko pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan

"Ano yon?" Nakangiti niyang saad

Aba good mood ang isang ito ah? Parang di natalo sa tournament 😗✌

"Anong pinag-usapan niyo ni Apollo?" Curious kong tanong

"Bat ba curious ka?" Natatawa niyang tanong "Wala 'yon. May usapan lang kami."

Bigla naman akong na-excite "Luh ano 'yon?"

"Basta..." saad neto pabalik at akma nanh papasok sa bahay

Agad ko naman siyang hinabol at kinulit "Ano nga 'yon? Dali na! Parang di kapatid?!" Pagrereklamo ko

Ngayon, ilong ko naman ang kinurot niya at agad na pumanik sa hagdan at bakas pa rin sa mukha niya ang kasiyahan

"Wow! Mukhang ansaya-saya mo ngayon ah! Parang di natalo sa tournament." Pang-aasar ko

Tinignan niya lang ako pabalik at nginitian lang ako bago pinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan

ESTELLE. ANONG. GINAWA. MO. SA. KAPATID. KO.

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon