Tournament
Agad ko namang inayos ang mga gamit ko at itinabi ang notebook at ballpen ko
"Una na 'ko, kayo na ang bahala dito ha." Saad ng teacher namin at agad nang umalis
"Bye po, Maam!" Pahabol ko dahil good mood ako ngayon dahil hindi siya nag overtime at makakaalis na kaagad ako!!!
Lalabas na sana 'ko nang magsalita ang isa kong kaklase "Uy, Cassidy! Cleaners tayo diba?"
Fuck... shit
"Uy hala!!! Pasensya na, pwede bang kayo muna mag cleaners?" Nahihiyang saad ko
"Huh? Bakit naman?" Medyo pagalit netong saad
"Diba nga... tournament ng kuya k-" hindi na niya 'ko pinatapos dahil agad na siyang nagsalita
"Ay oo nga pala! Ngayon ang championship?! Sige pa shout out mo nalang ako sa kuya mo ha, sige na alis ka na." excited na saad neto at agad nya akong itinulak ng dahan-dahan palabas
"Hahah, oo sige." Yun nalang ang naisagot ko para makaalis na ako
Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ay nagulat ako nang wala na ang tatlo doon, agad naman akong sumilip at nakita silang naka-upo sa umbrella tree sa baba
Agad naman akong bumaba para puntahan sila, saktong pagkarating ko ay kumakain sila ng siomai at turon
"Ang kapal naman ng mukha nyong hindi ako ayain-" hindi pa 'ko tapos magreklamo nang may iniabot sakin si Lailah
"Oh eto wag kana magreklamo d'yan binilhan ka na namin." saad neto sabay abot ng turon at coke
"Ay wow handa!! Hashtag true friends" Tuwang tuwang saad ko "Laham na laham nyo talaga 'ko no!!"
"Yuck..." pabirong bulong ni Lailah. Hindi ko nalang pinansin dahil marami talagang bashers sa paligid-ligid》_《
bAsErS bAsErS wag ninyo akong pakielaman 🎶
hindi kayo ang nagbibigay ng pangangailangan ko 🎶
bAsErs bAsErs 🎶
"Malamang alam na naming magrereklamo ka..." basag ni Sereia sa sinabi ko, kahit kailan talaga epal
"Pinanganak ka lang ata sa mundong 'to para magreklamo eh." natatawang saad ni Estelle
"Oo talaga, at para maging kontrabida sa love story niyo ng kuya ko! Akala mo ba hindi ko alam na crush mo yung kuya ko?" mayabang kong saad
Dahil isang beses habang naglalaro kami sa terrace nila at tinatawag naman ako ng kuya ko ay napansin kong agad na nag-ayos ito ng kanyang buhok at ng kanyang upo. At nag tuloy-tuloy pa iyon, hindi ko sure kung crush niya ang kuya ko or maarte lang talaga siya. Pwede ba both?
"Kapal naman ng mukha mo, gurl!! Ba't ko naman magiging crush kuya mo eh crush ni Bob 'yon." saad niya at bakas sa mukha ang pagkakaba niya
"Crush mo si Calvin, Estelle?" Hindi makapaniwalang saad ni Lailah
"Ikaw ah! Crush mo pala 'yon!!! Kaya pala duo kayo at Grand Master ka agad!!! Hindi mo manlang ako sinama sa bebe time n'yo hmp, hanggang ngayon elite II pa rin ako." hindi ko alam kung nagtatampo ba o ano na saad ni Sereia
Hindi naman pinansin ni Estelle ang mga pinagsasabi ng dalawa at agad na iniba ang usapan.
"Tara na nga! Anong oras na oh?" Pag-iiba niya ng usapan
Umiiwas, hmmm confirmed crush niya nga ang kuya ko...
Pasalamat siya at nagmamadali kami ngayon, kaya papalampasin ko ang pag-iwas niya sa topic na 'yon. Sa ngayon ay oobserbahan ko muna siya hanggang sa kusa na siyang umamin. Ako lagi ang inaasar mong crush ko si Levi ha pero wews totoo naman 😗✌ ngayon, papasa ko na sa'yo ang korona.
Hindi nagtagal ay nagdesisyon na kaming pumunta sa parking para makaalis na. Hindi nagtagal ay nakasalubong namin si Bob na may dala-dalang mga papel, uwian na ah? Bat mukhang pabalik siya sa lobby.
"Si Bob oh, hindi ba siya manonood ng tournament?" tanong ni Lailah at agad niya namang sinagot ang sarili niya "Obvious ba, malamang pabalik nga ng lobby oh." Diba boang
"Bob!!!" tawag ko rito, agad niya naman kaming nilingon
"Yes, yes, yes my dear friends." nakangiting saad neto
"Ano di ka sasama? Championship ngayon ah? Eliminated ka na talaga bilang sister in law ko sinasabi ko sayo." Pagbibiro ko, dahil nga crush niya rin ang kuya ko. Wow Calvin ang gwapo mo naman 😭 lol note the sarcasm
"Gurl, I can't. May meeting pa kami, pakisabi na lang na para rin sa future namin kaya 'ko ginagawa to." Saad niya at umarte pang nalulungkot
Agad naman kaming nagtawanan at umalis na para sumakay na sa sasakyan. Sasakyan nina Lailah ang ginamit namin papunta sa venue para sama-sama kaming pumunta, sa pag-uwi naman namin ay sa tangin ko'y kay Calvin ako sasabay.
Kagaya nga ng sinabi nila ay mabilis lang ang byahe papuntang venue, agad naman kaming pumasok sa loob at nakakuha ng pwesto sa may harapan, nireserved pala kami ni Calvin ng upuan sa harap. Something's fishy talaga 👀
"'Yan pala yung Apollo?" Turo ko sa banner na may mukha ng kalaban nina Calvin
"Oo! Ang gwapo no!!!" Kinikilig na saad ni Sereia
"Parang 'di naman?" saad ko "Mas gwapo pa rin si Levi... at sa tingin ko'y mas magaling pa."
"Pano mo nasabe? Napanood mo ba?!" saad ni Estelle
"Manahimik ka, si Calvin lang dapat ang gwapo sa paningin mo!" tuloy-tuloy na saad ko at nagtawanan kami maliban kay Estelle
"Hindi ko nga crush ang kuya mo!!" Medyo inis na n'yang saad
"Luh, sorry na. Bat ka nagagalit agad?" tatawa-tawa kong saad, hindi naman ako pinansin ni Estelle kaya lalo ko pang ininis "Luh sorry na nga eh parang others hmp others ka na ba?! Crush lang naman eh." Saad ko at kiniliti siya sa leeg
Hindi nagtagal ay pinansin niya na rin ako, kasi may pagkain ako!! Yung turon na binigay niya, ano 'yon? Ganun ganun nalang 'yon bati agad kami? dapat SABIHIN NIYA KAY LEVI NA ICRUSH BACK AKO HMP 😠 joke lang di ko crush 'yon si Levi!! Baka nga siya pa ang may crush saken charot 1/4 😗✌
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang Tournament, pinakilala na ang dalawang squad na maglalaban, unang pinakilala ang squad ng kapatid ko ang CL
Ang mga kasama ng kapatid ko sa squad ay sina Kyler, Kai, Jack at Levi. Sabay-sabay naman silang pumunta sa stage at pumunta na sa mga pwesto nila
Calvin in-game-name [CL] Mαɾԃҽƙáɾσʂ
Kyler, in-game-name [CL] ༺ 𝕜ꪗꪶꫀ𝕣 ༻
Kai, in-game-name [CL] 『KᗩᘔᑌᗰI•KᗩI』
Jack, in-game-name [CL] ꪑꪊ$𝕥𝟜𝕣ᦔ
Levi, in-game-name [CL] ᭄ꦿ𝗹𝗲𝘃𝗶ঔৣ꧂
"Grabe!! Ang gwapo talaga ni Levi..." bulong ko kay Sereia habang pinagmamasdan ang kagwapuhan ni Levi
"Mas gwapo si Apollo promise! Tignan mo kapag nakita mo siya..." saad naman neto pabalik
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...