Kabanata 5

20 3 51
                                    

Chair Up

"Hindi nga? Naging crush mo si Apollo?" curious at hindi makapaniwalang saad ni Estelle

"Kailan pa?" Dadag naman ni Lailah

"Kanina nga lang-" saad naman ni Sereia  na agad 'kong pinutol

Wow daig ko pa ang meralco sa dami ng naputol ko,,, joke heheheh 😗✌

"Mga 15 minutes ko lang siya naging crush okay? Kaya tigilan nyo na dahil nang-gigigil ako d'yan... pasalamat siya gwapo siya, kung hindi-"

"Kung hindi ano?" mayabang na saad ni Estelle

"Pinakasalan mo na?" Sabay naman na saad ni Sereia at Lailah

Wow!! Sabay pa talaga sila... cute nyo rin ha

"Hinde, baka inaya ko na yan ng 1v1, baka magsumbong pa sa coach nila 'yan pag natalo 'ko tas mag qquit ML na kasi di kaya kalakasan ko." Pagbibiro ko habang unti-unti nang natatawa

Agad naman silang makabuluhong ngumiti sakin "Wow, nangingiti na! Happiness mo na ba si Apollo?" Pang-aasar ni Estelle na hindi ko nalang pinansin at baka kung ano lang ang magawa ko

Ano sila hello? Feeling naman nila aayain ko na agad si Apollo ng 1v1, buti kung malakas ako mag ML, Pota pabuhat nga lang ako sakanila eh tas aayain ko pa yung Pro-player. 😭 Jowain nalang siya pwede pa- ay joke gigil nga pala 'ko d'yan...

Magsasalita pa sana si Lailah ng bigla kaming kalabatin ng isa sa bouncer sa loob, loh kuya wala kaming ginagawang masama... char d ko na sinabe 'yon at baka bigla nalang akong bigwasan neto chour

"Mga maam, pwede na po tayo lumabas" saad ni kuyang bouncer

Agad kong tinignan ang paligid at napansin ngang kami nalang ang tao sa venue bukod sa mga pro-players at iilang staff a d organizer ng tournament

"Ay hindi kuya iniintay pa namin sila-" saad naman ni Sereia at turo sa gawi nila Calvin na nasa stage parin para mag-picture

Hindi naman pinatapos ni kuyang bouncer si Sereia at agad nang nag-salita "Duon nalang po sa labas mag hintay yung mga fangirls" saad neto at mukha ngang gustong-gusto niya na talaga kaming paalisin

"Ay kuya hindi kami fangirls, jowa nga ng isang player ng CL 'tong friend namin eh" saad ko at sabay turo kay Estelle

Agad namang nagtawanan sina Sereia at Lailah, habang si Estelle ay nagtataka

"Ay sige, maam. Tatanungin ko si sir para iconfirm" saad neto "saan po ba dyan?"

"Yun po oh, yung sa CL na squad yung Calvin po!" Nakangiting saad ni Lailah

Agad namang nagtungo si kuyang bouncer at stage at agad kaming nagtawanan maliban may Estelle

Bakas naman sa mukha ni Estelle ang pagkabigla "Gago ka!!" Saad nito at sabay tingin sakin

"Luh? Ba't ako? Si Lailah kaya nagsabi!" Saad ko at itinaas ang dalawang kamay bilang tanda na inosente ako "Sabi ko lang may jowa ka sa CL." Dagdag ko pa

Agad naman netong tinignan si Lailah

"Luh? Si Sereia 'yon! Binulong niya sakin na sabihin ko raw..." dahilan naman ni Lailah

Agad namang tinignan ni Estelle si Sereia at sabay sabing "Oh ano? Sinong sisisihin mo-"

Agad naman siyang pinutol ni Sereia ag sabay sabing "Si Luana! Kung di niya sinabi 'yon di ko maiisip 'yon."

Aba binalik pa talaga nila saken,,, hindi ba nila alam na Pro ako pagdating sa mga palusot-lusot na 'yan 😎

"Osige, kung hindi ko sinabe 'yon papalabasin tayo ni kuyang bouncer, osige isipin nyo? Diba ang importante buhay" tuloy-tuloy na saad ko

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon