Kabanata 4

21 5 68
                                    

Apollo

Hindi nagtagal ay tinawag na rin ang kabilang squad, isa-isa naman silang pumanik na sa stage

Hindi ko kilala ang mga streamer na ito, pero pamilyar naman ako sa kanila at sa tingin ko'y nakikita ko rin sila sa newsfeed ko, lalo na kapag online si Sereia palagi siyang nags-share ng about d'yan sa squad na iyan. Fan kasi ang isang iyon ng squad na 'yan kaya hindi ko lang alam kung bakit nandito siya samin nakaupo. charot wala namang arrangement kaya okay lang

Pinakilala na ang squad nila bilang Gryffindor  o GRY

"Ang gwapo talaga ni Apollo." Bulong ni Sereia saakin at kinikilig kilig pa

"Saan?" Taka 'kong tanong dahil kahit na nasa tapat na kami ng stage eh hindi ko makita kung nasaan ang tinutukoy niya

Agad niya namang itinuro ang lalaking bukod tanging naka Nike na cup

Agad 'ko naman iyong tinignan at hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha "Hindi ko makita, natatakpan ng sumbrero."

Pero hindi ko maipagkakaila na gwapo nga ang isang iyon, duon palang sa matangkad siya eh, panalo na.

"Hintayin mo lang kase!" Nakangiting saad pa neto

Hindi naman nagtagal ay nag flash na sa screen ang mga in-game-name ng kabilang squad at kaagad kong tinignan iyon.

Jasper, in-game-name [GRY] ᴅɪꜱᴄ ツ

Carlos, in-game-name  [GRY] c@r4m3L༒

Lexi, in-game-name [GRY] ❥lexi.

Raissen, in-game-name [GRY] ꧁Ꭰᥲʀκ͢꧂

Apollo, in-game-name [GRY] ɪᴍ᭄ꦿa̶p̶o̶l̶l̶o̶



Gaganda ng pangalan nila, pero mas maganda nga lang ako 🤷‍♀️ #factsonly

Hindi nag tagal ay pumunta na sila sa kaniya-kaniyang pwesto. Katapat ng inuupuan namin ay ang squad ng Gryffindor

Agad namang nabaling ang paningin ko kay apollo... agad niyang tinanggal ang kaniyang sumbrero at agad na inayos ang medyo kulot niyang buhok

Hindi nga nagkakamali si Sereia, Gwapo nga ang isang 'to!!! Isa-isa kong tinignan ang bahagi ng kanyang mukha.

Meron siyang napaka-tangos na ilong, kissable lips, makakapal na kilay at kulay berdeng mga mata kapag natatapatan ng ilaw na lalong nagpatingkad ng kagwapuhan niya at isama mo pa ang kanyang medyo kulot na buhok na bagay na bagay sakanya... Siya na nga ba ang kulot na magpapa-alis ng aking lungkot?

"Huy, ano! Natulala ka na d'yan?" Saad ni Sereia, kahit kailan talaga pampam!! kita namang inaappreciate ko pa ang mala anghel na lalakeng ito eh

"Hindi naman gwapo, mas gwapo pa rin si Levi." Saad ko at agad na ibinaling ang atensyon sa squad ng kapatid ko "GO CL!!!" cheer ko pa

"Wala naman akong sinabe..." natatawang saad ni Sereia

"Shh ang daldal mo pag ako hindi nakapagfocus ah-" agad agad naman akong pinutol ng babaeng ito, kahit kailan talaga napaka bastos

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon