Expensive
"Okay po, btw poide kabang jowain?" Saad ko sa kay Polo
"Huh?-"
"Joke lang inaasar ko lang 'yong ka-team natin. At pang-pagaan lang sa rin sa atmosphere, mukhang mangangain na siya eh." Saad ko at tumawa nalang ng plastic dahil nabigla rin ako sa sinabi ko
Hindi na naman nagsalita pa yung ka-team mate naming kanina pa sabat ng sabat, mabuti naman at nanahimik na siya baka ma-pektusan ko na siya sa bunbunan
Kaagad ko namang dinagdagan ang mga sinabi ko"Jowa raw kita eh, nakakahiya naman baka may girlfriend ka, ayaw ko namang makasira ng relasyo-"
"It's fine, wala naman akong ka-relasyon." Mabilisang sagot niya na kinabigla ko
"Ay mabuti 'yan! Ayokong may sumugod nalang sakin, nako! Gusto ko lang naman mag road to mythic." Natatawa-tawa kong saad
Tinawanan niya nalang ako at hindi na nag-salita pa, kaya naman nag focus nalang din ako sa laro
Nagdaan ang ilang araw, one week to be exact, ay naging magkasundo na kami at parati kaming naglalaro ng rank game, kaya naman ay pareho na kaming Legend.
Legend I na kami pareho, at oo tama ang iniisip niyo, naabutan niya na ko dahil kapag wala raw siyang ginagawa ay nag lalaro siya mag-isa dahil gusto niya raw na pareho kami ng rank! Maging magka parehas kaya ng apelyido when??? chos xd
Speaking of apelyido or whatsoever, hindi ko pa nga pala natatanong ang pangalan niya!! Tanging Polo lang ang tawag ko sakanya, samantalang siya naman ay Autumn ang tawag sa akin!
I think, it's time!
"Hoy! We've been friends for a week baka naman pwede na malaman pangalan mo?" tanong ko, isang araw habang mag-kalaro na-naman kami
WE ARE: PLAYMATES 😽
"What for?" Saad neto habang tumatawa sa kabilang linya
Pangalan lang ih, damot hmp!
"Bawal ba? Naiinis ako sa in-game-name mo eh, may naaalala kasi ako! Baka pwedeng sabihin mo na pangalan mo para di ako Polo ng Polo dito at baka ma-plantsa pa kita." Tuloy-tuloy kong saad
"Ha? Bakit naman?" Saad niya at tumatawa parin habang binubugbog niya si rafaela, chou kasi gamit niya eh <333
"Kapangalan mo... yung dati kong c-crush!" Hiyang-hiyang saad ko "I mean medyo pareho."
Polo and Apollo? Yes, magkalapit pa talaga 🤦♀️
Kase naman gurl, sinong hindi mahihiya? Inamin ko lang naman na crush ko si Apollo???? Kahit wala kaming ganong interaction at unang pagkikita namin 'yon ni Apollo!
Hindi ko nga alam kung alam ba ni Apollo pangalan ko eh?! Tas kung makapag feeling ako dito! Like, Cassidy Luana?! Are you for real??
Pero hindi, baka infatuation lang talaga ang lahat ng ito, kasi na-gwapuhan ako sa Apollo na 'yon! Oo tama, 'yun nga 'yon! So from now on, titigilan ko na kakaisip sa kanya at kakasabing crush ko siya, dahil iniisip ko lang 'yan
"Dati mo lang siya crush?" Saad niya pabalik at natatawa "Bakit anong nangyare?"
"Tinalo niya yung kapatid ko sa ML eh." natatawang saad ko "Ang babaw no? Atsaka di lang naman 'yon, feeling ko di ko talaga siya crush, nagwapuhan lang talaga siguro ako, Alam mo na, Love at first sight." Mas kalmado ko nang saad
"Hahahahahah buti nalang..." simpleng saad niya, shet ang gwapo talaga ng boses niya!!!
ITIGIL MO 'YAN KALANDIAN MO LUANA! KAILANGAN MONG MALAMAN PANGALAN NIYA!
Baka magulat ka isang araw i-ghost ka niyang ni pareng polo at baka imbes na mag road to mythic ka, eh baka mag road to elite ka d'yan!
"Anong buti nalang?" Takang saad ko
"Huh? Wala! Wala!" Mabilisan niyang sagot
"So, ano ngang pangalan mo?" saad ko habang kinukuryente si Nana sa mid
"Polo..." Saad niya pabalik
"Huh? I thought that's your in-game-name? You didn't tell me, ha!" Saad ko at nahahawa na rin sa kaka-english niya
"Hindi mo naman tinanong." Saad niya at bakas mo sa tono niya na nakangiti siya "Ano bang pangalan ng crush mo-"
"Correction! Dating crush." Pag-correct ko sakanya dahil dati akong correction tape, char ang mais"His name is Apollo."
"Oh..." gulat na saad ni Polo sa kabilang linya "Actually, my name is Apollo."
"WHAT?!" medyo pasigaw kong saad "GAGI?!?! PRANKSTER KABA HA?"
Hindi na siya nagsalita pa at tinawanan niya nalang ako habang pinupush niya ang bot
"Ano ba naman 'yan? Kaya nga ayaw ko ng Polo kasi may naaalala ako d'yan tapos ngayon malalaman ko, Apollo pala mismo pangalan mo?! Magka pangalan pa talaga kayo! Sana dili nalang ako nag-talk." Saad ko at stress na stress na kaya na-tsambahan ako ng kalaban at napatay si eudora sakalam
"Hahah, bakit ba? Sinaktan kaba ng kumag na 'yon? Gusto mo balikan natin." Pabirong saad niya
"Hindi, okay lang! Hayaan mo na." Saad ko habang hinihintay na mabuhay si Eudora, medyo xadgurl phoe
"Bakit ba ganoon mo nalang ka-ayaw marinig pangalan niya? Bakit ghinost kaba?" Tawang-tawang saad niya
AKO??? GHINOST??? WISH MO LANG! AT BAKA IKAW PA ANG IGHOST KO D'YAN char ang feeling q, aq nga lang yung pabuhat
"Hindi ah!" Mabilisang pagtanggi ko
"Oh eh ba't ka ganun ka affected? Nag cheat ba sayo-"
Hindi ko na siya pinatapos at kaagad na akong nagsalita at baka kung ano pang masabi ng isang 'to "Hindi, okay? Atsaka 30 minutes ko lang siyang naging crush."
"What?" Tawang-tawa niya nanamang saad, grabe kotang kota na 'to kakatawa sakin ah? Tinalo ko na ba si Jollibee sa pagpapasaya sakanya? 👉👈
"Atsaka, nagwapuhan lang naman ako sakanya noon! Kaya naging crush ko siya! Kaya lang binadtrip ako eh!" Paliwanag ko
"Bakit? Anong ginawa?" Tanong niya "Nung tinalo kuya mo? Ano ka ba? Normal lang yon-"
"Tss, kahit na wala akong pake. Hindi ko na siya crush! At pwede ba? Ayaw ko na siyang pag-usapan." Saad ko habang kinukuryente naman ngayon si Esmeralda
"Hmm, okay! Anyway what's your name?" Siya naman ang nag-tanong ngayon at mabuti naman
"Marry..." Pagsisinungaling ko dahil may naisipan
"Nice name, lakas maka mabait! Last name?" Saad ni Polo, I mean yeah! Apollo is his real name rin pala
Ay may pagtanong ng last name? Eh di ko naman tinanong last name niya ah? Hayaan ko na nga baka i-stalkin ako hays tama 'yan para naman makakita siya ng anghel
"Me." Mabilisang sagot ko at natawa na
Kaagad niya naman 'yong nakuha 'yon at 'tsaka natawa "What if I say yes? Hmm?"
Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso ko at may naramdamang kakaiba sa t'yan ko
"De joke lang, gagi!" Bawi ko at medyo kabado na at hindi ko alam kung bakit "Cassidy Luana is my name, next time na ang last name."
"What a beautiful name." He said then chuckles
"True, parang ako lang." Pang-aasar ko nang nakabalik na sa hulog
"Hmm?" Saad niya sa pang-aasar na tono "So, what do you prefer? Cassidy or Luana?"
"You can call me expensive, pero dapat tagalog." Saad ko sa maliit na tono
"Okay, mahal..."
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...