CL
Pagkatapos kong makipag-asaran sa mga kaibigan ko ay sumunod agad ako sa kapatid ko
"Kuya, sorry na nga! Gagalit ka agad parang di pamilya." Bungad ko sa kapatid ko pagpasok na pagpasok ko sa bahay namin
"Hindi ka na pala sasama bukas ha." Nang-aasar na saad n'ya
Ganto kasi 'yan may laban ang squad ng kapatid ko bukas, championship 'yon ng mobile legends para sa season na ito. Ang kalaban na squad ng kapatid ko ay isa rin sa pinakamalakas na squad sa bansa.
Ang mga player ng kabilang squad ay isa ring sikat na streamer kagaya ng kuya ko, kaya grabe nalang din pag-usapan ang labanan para bukas
"Ha? Anong hindi? Hindi pwede!" Pagalit kong saad sa kapatid
Anong karapatan nyang sabihin 'yon??? Hindi naman s'ya yung rason kung bakit gusto kong sumama at manood sa tournament nila bukas like hello andun kaya si Levi 👉👈 JOKE LANG HINDI KO NGA CRUSH SI LEVI ANG KULIT NYO!!!!
LOVE OF MY LIFE LANG HEHEHEHEH LEVI JOWAIN MO 'KO PLS!!!!
"At bakit naman hindi?" Tanong nya pabalik
"Syempre andun ang... ang love-" agad naman akong pinutol ng lalakeng 'to! Ang love of my life kong si Levi kase nandun!!! Char syempre hindi ko sasabihin 'yon. Ano sya chix?
"Anong love? Sinong love? May love ka na? Halika dito at pepektusan kita." Pabiro n'yang saad at akma pang hahabulin ako
Agad naman akong tumakbo papunta sa hagdan para kung ituloy nya pa ang panghahabol nya eh makakatakbo agad ako sa kwarto ko
"Love kase, Lovely Brother! Andun ka kase kaya kailangan kitang suportohan! You know, supportive sister here!!" saad ko pabalik at pangiti-ngiti pa na tila ba nang-aasar
Tinignan nya lang ako na para bang di siya naniniwala sa mga pinagsasabi ko "Ano ayaw mo?? Hello? Ako na 'to oh yung pinaka maganda mong kapatid"
"Mahiya ka naman sa mga pinagsasabi mo" pang-aasar nya "maganda raw lagi namang iniiwan" dagdag pa niya at tuwang-tuwa pa ang mokong
Aba medyo bastos k pre,,,
"Ay wow kapatid foul!! Namemersonal ka na egul sayo lods" banat ko pabalik at medyo nanatawa na
Patawa-tawa lang ako pero gusto ko nang manakal 🙂
"Tabi na nga d'yan at mag e-stream pa 'ko" saad nya at tawang-tawa parin
Kung pwede lang mamektus ng nakatatandang kapatid kanina ko pa ginawa, pero dahil isa akong mabuting kapatid at anak eh sa utak ko nalang siya pinektusan #GantiNgApi
"Mag stream ka? Eh tournament na bukas ah? Wala na kayong practice?" takang tanong ko kasi gurl, siya lang yung kilala kong may laban ng tournament bukas tas pa chill chill lang. Take note pala pre championship pa yung laban bukas shet ssob Calvin lang sakalam
"Oo pahinga na raw, pero gusto ko pa maglaro eh" saad niya at pumanik ka
Nakapanik na siya ng may bigla akong naalala... shet magpapa accept nga pala ako sa squad nila!!!!
"Kuya! Let's make a deal pala!!" Pahabol ko at agad na pumanik sa hagdan
Sakto namang papasok palang siya sa kwarto niya ng maabutan ko siya "Ano nanaman 'yon?"
"Pag nanalo kayo bukas, heheh" nahihiya kong saad "Ano,,, sana... heheh"
"What? Stop doing that. It doesn't suit you" saad neto. Wow talaga!! Mahal na mahal talaga 'ko ng kapatid ko grabe wala na 'kong hihilingin pa
"Eto naman! Masyado ka! Kaya wala kang jowa eh! Ganyan mag lambing kuya calvin ha!" tuloy-tuloy na saad ko "Ganto kasi, kapag nanalo kayo bukas sali nyo na ko sa squad nyo" hindi pa siya nakakapagsalita ay nagsalita na ulit ako "Bawal ang tumanggi! Ang tumanggi, pangit" saad ko at agad nang tumakbo papasok sa kwarto ko at baka hindi nanaman 'yon pumayag, jusko naman ilang buwan ko na siyang pinipilit na isali ako sa squad nila, grabe apaka damot parang hindi kapatid!!
Hindi nagtagal ay nagpahinga na lamang ako sa kama ko at tamang scroll scroll nalang sa facebook
Hindi nagtagal ay dumaan sa newsfeed ko ang livestream ng kapatid ko at agad ko namang pinanood. Pagkapindot ko ng livestream nya eh sakto namang topic nya yung Apollo, yung isa ring sikat na streamer ng mobile legends at isa sa kalaban nila bukas na kinababaliwan ng mga babae
Lol, di naman magaling 'yon tss mas magaling pa ata ako joke lang mga 1/4 😗✌
Calvin Louis Pajarillo is live
"Anong masasabi mo kay Apollo?" Binasa ng kapatid ko ang comment ng isa nyang viewer "Masasabi ko? Wala naman masyado. I mean magaling siya pero mas magaling nga lang ako" pabiro nyang saad
"Ofcourse that's my brother right there!" saad ko habang nanonood ng livestream niya
Hindi nagtagal ay nagcomment na ako sa livestream ng kapatid ko
Cassidy Luana Pajarillo: lods, pa shut down...
Hindi naman nagtagal ay napansin ng kapatid ko ang comment ko at agad nya naman akong pinansin
"Anong pa shut down pinagsasabi mo dyan, Cassidy?" saad nya habang tumutingin ng comments. Agad naman akong nagtipa ng comment para mabasa nya
Cassidy Luana Pajarillo: Pa shut down naman ng live 🥰
Hindi na 'ko pinansin ng kapatid ko,,, grabe gusto ko lang ps shut down yung live eh... umay na kasi lods sa bahay lagi ko na siyang nakikita, pati ba naman sa newsfeed ko? Ano 'to sumpa?
Ang pumansin nalang sakin eh yung mga viewers n'yang nagpapa shout out hahahah teluk nyo mukha ba 'kong naka live
Hindi nagtagal ay nag scroll nalang ulit ako sa newsfeed ko
Facebook:Cassidy Luana Pajarillo
Good Luck, CL!!! Sana manalo kayo bukas!!! 🥰
CL is my brothers squad, siya ang gumawa ng squad na 'yon at siya rin ang nagpalago nito. CL stands for Calvin Louis.
Isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong sumali sa squad niya bukod sa crush ko si Levi ay dahil din duon dahil minsan eh feeling ko ang meaning CL ay Cassidy Luana. Kaya pag nakasali ako dun, ako na ang princess ng mafia world. charot 😗✌
BINABASA MO ANG
Intrepid
RomanceCassidy Luana Pajarillo, Ang babaeng walang ibang alam kung hindi ang mang-trashtalk. "Kayo na bahala mag panalo, at ako na ang bahala mang-trashtalk" ang motto in life niya kapag nakikipaglaro siya sa mga kaibigan niya. Isang araw, habang nanonood...