Kabanata 8

13 2 33
                                    

I can make it right <333

Pagkatapos naming mag-laro ay wala parin ang aming guro kaya agad ko namang naisipang yayain ulit ang mga kaibigan ng isa pang laro dahil nabitin ako sa laro namin

Agad ko naman silang in-invite sa laro "Accept! Dali! Dali!" Excited kong saad

Agad naman nila itong ni-reject "Mamaya na ulit!" Sigaw ni Lailah

"Ano? Isa pa! Wala pa naman si Maam!" Pagpililit ko sa mga kaibigan

"Ayoko, baka mamaya dumating na si Maam." Saad ni Sereia

"Ano naman? Pwede namang i-exit agad!" Saad ko "Classic lang naman! Hindi tayo mababawasan ng star." Dagdag ko pa

"Ayoko. Na." Madiin na saad naman ni Estelle

Sungit mo naman today, maam!

"Luh? Sungit mo naman! Kagabi ka pa ah? Magka-away ba kayo ng jowa mo?" Saad ko at agad na tumawa bilang tanda na nagbibiro lang ako

"ANONG JOWA? WALA AKONG JOWA?" mabilis at pasigaw niya namang saad

Hindi ko nalang ito pinansin dahil hindi ako naniniwalang wala siyang jowa <333

"Ayaw ko na prend, lagi nalang akong penalty sa ML na 'yan! Lima tayong nag e-exit ng kusa pag nandyan na si Maam tas ako lang nagkaka penalty?! Life is so unfair!" Saad naman ni Lailah sa madramang tono at agad kaming nagtawanan

"Anong ikaw lang? Ako rin!" Dagdag pa ni Bob

"Bahala kayo d'yan! Ako nalang." Saad ko at agad na ini-start ang game

Grabe,,, oras na nga ba para makipag F.O ako sa mga 'to???? </3 Lagi nalang silang umaayaw kapag niyayaya ko sila </3 masyado ba 'kong magaling para sakanila?! Hays aq lang 2 oh kaibigan nyo... charot

Nag-laro nalang ako mag-isa at maganda ang labanan, dikit ang laban. Hindi na 'ko nang trashtalk dahil mukha namang matitino yung kalaban ko, ang mga tina-trashatalk ko lang naman eh yung mga pabebe at mayayabang na player. Yung sasabihing cancer daw kami (sorry scorpio kaya ako, mali ka d'yan kapatid...) kasi babae kaming kampi niya tas magugulat siya MVP ako...

Hindi nagtagal ay kinakalabit ako ni Bob, agad naman akong nairita dahil nga magagaling ang kalaban at maganda na ang laban.

"Ano ba, Bob?! Pag ako namatay dito tignan mo baka di kita ma-tantsa at makurot kita gamit ang pink na pink kong nail cutter." Saad ko ng hindi lumilingon kay Bob at naglalaro parin

Hindi parin tumitigil si Bob sa pagkalabit sa akin "Andito na si Maam! Si Maam!" Saad niya pa habang tumatawa

Hindi ko siya pinansin dahil tumatawa siya at feeling ko ay nagbibiro lang ang isang ito para madistract ako sa nilalaro ko dahil nga tumatawa siya. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalaro ko at hinayaan siya

"Anong si maam, si maam? Gawa lang ng illuminati 'yan si maam..." saad ko habang tumatawa at busy paring i-push ang tore ng kalaban

Agad namang may kumalabit sakin at pag tingin ko ay ang teacher nga namin sa Physical Science...

Oh... god...

Agad ko namang nginitian si maam at sabay sabing "Ay hi po maam! Heheh,,, Andyan ka na nga po pala for real, wala po 'yon joke lang po 'yon, ginaya ko lang po yung meme sa facebook heheh sorry po..." excuse ko at nanginginig na ang buong kalamnan ko sa sobrang kabang nadarama

Buti nalang at mabait ang teacher namin sa physics at nginitian nalang ako neto at sabay punta sa harapan at tsaka inayos ang mga dala niyang lesson plan at mga extrang gamit sa lamesa

Hindi na nagturo pa ang teacher namin dahil konti nalang ang oras na natitira para sa klase niya, at buong oras lang din na iyon ay naka-upo lang ako sa upuan ko at tahimik na nakatulala sa kawalan

Dahil baka mamaya ay maisipan ni Maam na ipatawag ang parents ko dahil sa nasabi ko,,, Ma, I'm sorry ma!! 😭 mukhang mapapa-aga ang meet the parents ah...

"Illuminati ka pa ah, teluk ka ah!" Pang-aasar ni Estelle at Bob sa magkabilang gilid ko

"Tangina nyo, tantanan nyo muna ako kahit ngayon lang..." saad ko sa maliit kong tono dahil kinakabahan ako na marinig ni maam na dumadaldal ako at baka magbago ang isip at ipa-bring the parents pa ako

Tumawa naman ang dalawang demonyo ng napaka lakas sa magkabilang gilid ko,,, pls G! Tulungan nyo po akong labanan ang kasamaan...

Agad namang bumaling ang tingin ni Maam Cruz sa gawi naming tatlo, at agad ko namang binigyan ng awkward na ngiti ang aming guro dahil sa kabang nadarama

Nginitian niya lang ang gawi namin at tsaka ibinaling ang tingin sa ibang banda

"Tang... ina... nyo, talaga!" Saad ko sa dalawa

"Mukhang good mood si Maam Cruz? Mukhang walang bring the parents na magaganap..." Tuwang-tuwang saad ni Estelle

"At kung mayroon man, wag kang mag-alala dahil hindi parents ang dadalhin ko, kung hindi ang kuya ko!" Saad ko at agad na nag evil smile "Oh diba matutuwa kapa!" Dagdag ko pa

Pansin naman sa mukha ni Estelle ang pagkabigla at kaba

Agad namang nag-salita si Bob "Ba't siya ang matutuwa, Luana? Hindi ba't dapat ako?!" Pagbibida-bida ni Bob. Oo nga pala at wala pa itong alam sa mga napapansin ko, pasensya na tao lungs.

"Oo nga! Para nga sayo 'yon! Lutang ka ba?" Tawang-tawa kong saad. At Pag-iiba ko narin para naman kumalma na si Estelle at dahil mukha nang taeng-tae ang isang ito dahil sa kaba

Natapos ang oras para sa subject naming physics ay hindi naman naisipan ni Maam na ipa bring the parents ako at umalis nalang ito ng may ngiti sa labi. Buti nalang mukhang good mood si Maam dahil kung hindi siya good mood o kung ibang teacher namin iyon, malamang sa malamang nasa disciplinary office na 'ko ngayon

Buti nalang at hindi napa-aga ang meet the parents <3333 ano daw???? meet the parents,,, bring the parents who??? 😭

Lumipas ang lunch, break at iba-iba pa naming subject ay medyo ayos na naman ako, pero kabado parin kapag naiisip ko ang nangyare kanina

Sakto naman sa last subject namin ay wala ang teacher namin dahil absent daw ang guro namin sa kadahilanang may sakit daw ito. Hindi na 'ko nag-aya pang mag Mobile Legends dahil sa nangyare kanina, agad nalang akong nag-open ng cellphone ko at nag browse sa mga social media account ko.

Facebook

Cassidy Luana Pajarillo

Hays, ang buhay ay parang life may mga magagawa ka talagang wrong na you need to right. #I_Can_Make_It_Right

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon