Kabanata 16

9 2 36
                                    

Wtf

"Ang kakapal ng mukha niyo! Nakiki chismis pa talaga kayo!" Pagrereklamo ko sa mga kaibigan

"Syempre alangan namang ikaw lang yung nakikichismis?" Saad ni Estelle na parang may iba siyang pinapalabas 👀

Ay wow pumapalag na, matapang na ang isang 'to, alam na alam niya atang nakiki-usyoso ako sa kung anong meron sa kanila ni Kuya Calvin. Tumatapang kana bata, dapat ka nang ipatumba.

"Syempre, leader ka namin pagdating sa chismisan eh." Makapal na mukhang saad ni Lailah

Pero, not gonna lie, vice president lang po ako

Agad naman akong tumingin kay Sereia na nanahimik lang sa gilid at nakatingin sa amin

"Sereia wag ka nang mag-salita, ikaw ang pinaka-source. At leader ng cheesemosa clan manila chapter." Saad ko kay Sereia at may pa palo-palo pa sa balikat niya na akala mo cinocomfort siya

Agad naman kaming tumawa ng dahil sa sinabi ko

"Tangina mo kaya nga di na 'ko nagsalita kasi alam kong madadamay ako, pinansin mo pa talaga 'ko." Saad niya habang tumatawa "Atsaka anong chismosa clan? Gagu pauso ka!"

"It's cheesemosa as in cheese! 'Yon ang pangalan ng clan mo, chessemosa!" Pang-aasar ko sa kaibigan

Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming bigyan ng mga part ni Estelle. Ako talaga ang leader ng group na 'to pero dahil matalino si Estelle ay pinasa ko na sa kanya ang korona. #Brainy #Kind #Gorgeous #BeautyWithAHeart #PiaWho?

Hinati ni Estelle ang grupo namin sa dalawa, may dinownload siyang apps kung saan kusang mahahati sa dalawa ang grupo naming apat

Ang unang lumabas ay sina Estelle at Lailah, kaya automatic na magkapartner silang dalawa

Habang automatic narin naman na partner kami ni Sereia...

"Tangina..." natatanging saad ko nang makita ang resulta

"Idaan nalang natin 'to sa dasal..." dagdag pa ni Sereia at kaagad naman kaming natawang dalawa

"Oh walang daya 'yan ha!" Tawang tawang saad ni Estelle palibhasa kapartner niya si Lailah na isa rin sa pinaka matalino sa klase kaya okay lang sakanya

Tangena neto ni Lailah, magaling na nga sa ML matalino pa?! Samantalang ako, gumagawa lang ng mga activities, sapilitan pa.

"Huwag mo kaming yabangan, Estelle. Porket kakampi mo si Lailah..." nai-stress na saad ni Sereia

Tawang-tawa naman ang dalawa sabay sabing "Kayo naman may gusto nyan eh!"

"Oo ginusto namin 'yon, pero di ko gusto yung kakampi ko!" Pagbibiro ko

"Tangina naman? Parang ayaw mo 'ko kakampi ah?" saad ni Sereia at may patampo tampo effect pa ang gaga

"Anong parang? Ayaw ko talaga!" Pang-aasar ko kay Sereia pero syempre "Joke lang, uunahan natin silang matapos, kaya ayusin mo, kung hindi papakuryente kita kay Eudora."

Tinawanan nalang kami ng dalawa dahil hindi namin alam na nagsisimula na pala silang dalawa, habang kami ni Sereia, eto pina-process parin namin sa mga utak namin kung makakayanan ba naming dalawa 'to

Hindi nagtagal ay nanahimik nalang kami at nagsimula na sa mga na-assign saming gagawin

"Napipikon ako kay Lailah tsaka Estelle." Saad ko kay Sereia at sadya ko talagang pinarinig pa sa dalawa

"Bakit naman?" Curious na tanong ni Sereia

"Gago kayo! Anong ginawa namin sainyo?" Pagrereklamo ni Lailah sa sinabi ko

"Kaya nga! Mga basher!" Dagdag pa ni Estelle

"Tangina prend, hindi manlang sila namigay ng talino?! Sinalo nila lahat!" Pagrereklamo ko sakanila

"Oo nga, ang kakapal ng mukha niyo." Saad ni Sereia at tinuro-turo pa ang dalawa "Hindi nyo manlang kami binigyan! Hindi manlang kayo nag-tira, sinolo nyo lahat!"

Dagdag pa niya at nagtawanan nalang kaming apat at kaagad na nanahimik at itinuloy na lang ang ginagawa

Makalipas ang ilang oras ay wala nang pumapasok sa isip ko at hirap na hirap na akong hanapin ang mga bagay-bagay sa internet kaya naman kaagad akong napakanta

"Andito nanaman kami, nagbabagsakan sa tabi..." kanta ko dahil bored na bored na at gulong-gulo na ang isipan ko

Wow sanaol may isip

"Gagi kumatok ka! Kapag tayo bumagsak sinasabi ko sayo!" Pagrereklamo Lailah

"Di naman totoo 'yon eh!" Saad ni Estelle

"Kahit na! Kumatok ka!!" Saad ng isa pang takot na si Sereia

Kumatok nalang ako para tigilan na 'ko nung dalawa, grabe 2021 na naniniwala parin sila d'yan

"Uy prend? Pwedeng favor?" Saad ni Sereia sa akin sa nahihiyang tono

Wow marunong rin palang mahiya ang isang ito? Bago 'yon ah

"Wtf?" Saad ko at hindi parin ibinabaling ang atensyon ko kay Sereia

"Grabe naman, anong wtf?" Saad neto "favor lang eh." Bulong niya pa sa sarili niya

Agad ko namang ibinaling ang atensyon ko sakanya "What's the favor kase."

"AY GAGO? YUN BA MEANING NG WTF? HAHAHAHHAHAHAHAHA SORRY!" tawang-tawang saad ni Sereia "kala ko yung usual meaning eh, what the fuck."

"GAGO BAGO NA MEANING NG WTF. HAHAHAHAHAHHAHA" tawang-tawang saad ni Estelle at parang hindi na makahinga ang isang ito

"Tamad na tamad ka na bang magsalita? HAHAHAHAHAHAHHA" Isa pang tawang-tawang saad ni Lailah

"Ano ba yung favor mo, Sereia?" Tanong ko habang tinitignan ang tatlong bugok na tawa parin ng tawa hanggang ngayon

Ano bang nakakatawa sa WTF? Pinaikli ko lang naman yung What's the favor ah?! Kala ba nila hindi nakakatamad mag-salita...

Tumigil na ang isang 'to sa kakatawa at 'tsaka na nag-salita "Ikaw na gumawa sa part na 'to, hahanap pa ko rrl eh heheh."

"Hayop ka ang dami ko nang nagagawa..." saad at pagrereklamo ko sa kaibigan "Ikaw konti palang."

"Ay nagrereklamo? Balak pa naman kitang bigyan ng skin ni Eudora, parang wag nalang..." saad ni Sereia.

Grabe, alam na alam niya talaga ang kahinaan ko 😭💔

At Aba? marunong na rin ang isang ito na mang-uto? Kung sa tingin nya'y susundin ko siya? Syempre, bakit naman hindi? 🤗

"Luh? Gagi di ka na mabiro, sige na ako na d'yan! Heheh." Saad ko sa bait baitan na tono "Kaibigan itabi mo, Ako na." Pang-gagaya ko sa isang commercial ata 'yon ng tumatakbong politiko

"Parang di mo naman kaya bumili ng diamonds, Luana!" Tawang-tawang saad ni Estelle

"Kaya nga! Pwede ka namang humingi ng skin sa kuya mo! Lagi ngang namimigay ng skin 'yon sa viewers niya eh." Dagdag pa ni Lailah

"Oo nga no? Estelle hingi mo nga ako ng skin sa kuya ko!" Pang-aasar ko kay Estelle

Intrepid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon