"Ama, sigurado po ba talaga kayong kaya niyo na? Baka mahina pa ang inyog katawan, baka kailangan niyo pang magpahinga. Ganoon din si Ina," nag-aalalang wika ni Prinsipe Ravi. "Kaya naman namin kahit huwag na kayong sumama pa."
Kanina pa siya tanong nang tanong kung sigurado ba si Haring Valor at Reyna Amelia na sasama sa amin sa pagsugod sa Norland na pinamumunuan na ni Reyna Emily ngayon. Hindi niya maiwasan na hindi mag-alala dahil sa nangyari sa kanilang mga magulang. Si Haring Valor ay kagagaling lamang sa pagkakalason samantalang si Reyna Amelia ay nagtamo ng mga sugat dahil sa pagkakabihag ng walang awa kong Inang Reyna.
"Huwag kayong mag-alala, mabuti na ang aming pakiramdam ng inyong Ina. Sa pagkakataong ito, hindi na kami papayag na hindi tayo sama-sama sa laban na ito. Mas makakasiguro tayong tayo ay magwawagi dahil tayo ay nagsanib at magtutulungan upang mabawi ang ating tahanan."
Nang matapos ang aming pulong ay agad na kaming naghanda para sa ikalawang digmaan. May sapat na kaming pahinga at lakas upang sumabak muli. Mas mabuting hindi mapatagal ang aming paglusob dahil baka kung ano na ang gawin ng aking Ina sa palasyo. Baka wala na kaming madatnan na palasyo kung hindi kami sasabak sa mas lalong madaling panahon.
Inihanda na namin ang kaniya-kaniya naming espada at palaso, ito rin lang ang ginamit namin noong sumugod ang mga kawal ng Lacandia. Mabuti na lamang at 'di namin ito naiwan kung 'di, wala kaming magagamit ni isa sa pakikipaglaban. May sapat na lakas pa naman ang mga kagamitang ito dahil ito ay may angking kapangyarihan din dahil pagmamay-ari ito ng mga taong maharlika.
Bago lumusob, may kailangan munang gawin ang Mahal na Hari sa bawat sandata at palaso na aming gagamitin kaya naman mabilis namin itong inihanda.
Pumila kami dala-dala ang aming sandata at palasoupang humingi ng basbas mula kay Haring Valor. Bilang Hari, may angking kakayahan siya na magbigay ng basbas na magsisilbing proteksiyon ng bawat taong kaniyang binasbasan. Sa ganitong paraan, hindi kami madaling mapatumba maliban na lang kung patatayin kami gamit ang lason. Wala nang laban ang basbas ng Hari kapag nagkataon.
Naunang tumayo si Prinsipe Ravi na sinundan ni Prinsipe Cozen. Akmang tatayo na si Prinsipe Dern upang pumila nang mas mabilis pa sa kidlat akong tumakbo upang maunahan siya sa pila. Hindi p'wedeng ako ang pang-apat sa pila dahil paniguradong matatabihan ko si Prinsipe Arsh dahil siya ang panghuli. Kailangang may espasiyo ang gumitna sa aming pagitan naming dalawa.
Hindi pa rin naaalis ang pagkailang na aking nararamdaman matapos ng pag-uusap namin kanina bago maganap ang pagpupulong. Hiyang-hiya ako sa sinabi ko. Hindi ko na napigilan na ilabas ang nararamdaman ko sa kaniya. Iiwasan ko siya hangga't maaari.
Dahil sa sobrang hiya kanina, hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya sa mga sinabi ko, ni hindi ko nga nakita ang kaniyang reaksiyon. Basta tumakbo na lamang ako palayo sa kaniya upang makatakas sa anumang p'wedeng reaksiyon nito.
Hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin siya. Ito ang mas magandang gawin upang mapigilan pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong mali ang ginawa kong pag-amin ngunit mas gumaan naman ang pakiramdam ko dahil nailabas ko na ang matagal ko nang pinipigilang ilabas.
Natapos nang basbasan ng kanilang Amang Hari sina Prinsipe Ravi at Prinsipe Cozen. Ako na ang susunod. Kaya naman humakbang na ako paharap at itinapat ang aking palaso sa Mahal na Reyna.
"Ang palasong ito ay binabasbasan kong muli upang kilalanin at protektahan ang sino mang nagmamay-ari at gagamit nito ngayon. Ikaw rin, Amity, isa tunay na Anak ko, ay binabasbasan ko upang makasiguro sa iyong kaligtasan. Baunin mo ang gabay ko na magsisilbing proteksiyon laban sa mga kalaban. Ako si Haring Valor ng Kaharian ng Norland at ikaw ay aking binabasbasan."
Matapos alisin ni Haring Valor ang kaniyang palad sa aking ulo, yumuko naman ako sa kaniya bilang pagtanggap ng kaniyang basbas. "Lubos kong tinatanggap ang iyong basbas, Haring Valor. Marami pong salamat!"
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Norland
Historical FictionKilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at sa kakaibang mundo na sa panaginip niya lamang nakikita noon. Dahil sa isang insidente, ang kaniya...