"Zariya?" Napamulat ako ng mata nang may maramdamang tumatapik sa kanang balikat ko. Kinusot ko muna ito bago imulat upang tingnan at alamin kung sino ang taong nang-udlot ng mahimbing kong pagkakatulog.
"K-Kharim Celia? Alas-singko na po ba?"
Nakakailang hikab na ako dahil hindi pa rin nawawala ang antok ko. Hindi ako sanay na magising na ganitong kaaga. Madalas ay inaabot pa nga ako ng alas-onse kapag walang pasok sa modern world. Nakakatipid tuloy kami ng pagkain dahil minsanan na ang almusal at tanghalian ko. Pero sermon naman ni Mama ang aabutin ko sa tuwing nagigising.
"Hindi pa pero kailangan mo nang bumangon. Ngayon ang araw na mag-uulat ka sa iyong Inang Reyna," bulong niya sa 'kin.
Wala namang makakarinig na iba kaya ba't kailangan pa niyang ibulong? Kaming dalawa lamang ang narito sa loob ng silid.
"Prinsesa Amity, kailangan mong bumalik bago magising ang mga Prinsipe," dagdag pa nito.
Tumayo siya at pumunta sa cabinet na nasa gilid lang ng kama niya. Mukhang may hinahanap siya at ilang minuto lang ay inabot nito sa 'kin ang isang balabal.
"Para sa'n po ito?" tanong ko nang abutin ko ang ibinigay niya.
"Gamitin mo 'yan nang walang makakita sa 'yo. Mahalaga ang kulay itim na tela para pantakip sa 'yong katawan dahil madilim pa sa labas," paliwanag niya.
Nag-aalangan akong tumayo. Paano ako mag-uulat? Saan ako mag-uulat? Paano ko malalaman ang daan papunta sa aking Inang Reyna? Hindi naman p'wedeng magtanong ako kay Kharim Celia dahil paniguradong magtataka ito na hindi ko alam kung saang ang Kaharian na pinanggalingan ko.
"Humayo ka na, Prinsesa Amity. Hinihintay ka na ng iyong Inang Reyna sa inyong Kaharian ng Lacandia." Halos ipagtabuyan ako ni Kharim Celia palabas ng silid. Nauna na siyang humakbang habang nasa likuran niya naman ako. Pinihit niya ang doorknob at 'di pa siya agad lumabas. Sumilip muna siya at nang makasiguradong walang ibang kawal na nag-iikot sa oras na ito, agad niya akong hinila palabas.
"Mag-iingat ka, Mahal na Prinsesa. Tandaan mo, kailangan mong bumalik dito sa palasyo bago magising ang Hari at ang limang Prinsipe," paalala niya ulit.
May curfew pa ako? Lakas naman maka-Cinderella nito.
Matapos kong tumango ay agad niya akong pinagsarahan ng pinto. Grabe naman Kharim Celia! Ang harsh, ah!
Lumingon muna ako sa paligid bago dahan-dahang naglakad. Napakadilim ng buong hallway, tanging ang maliit na gasera na dala ko lamang ang nagsisilbing ilaw ko. Kailangan ko talagang mag-ingat kung gusto ko pang makabalik. Maraming mga kawal ang nag-iikot sa palasyo. Mabuti na lamang at konti lang ang nagagawi rito sa silid ng mga taga-silbi.
Malapit na akong makalabas sa malaking pinto nang may 'di ako sinasadyang nabunggo. Bigla kasi siyang pumasok at sakto namang palabas na ako. Hindi ko tuloy naramdaman na paparating siya at hindi ako nakaiwas agad.
"Ay!" napasigaw ako nang maramdaman ang matigas na bagay na tumama sa noo ko. Napasapo ako rito dahil sa sakit na inabot.
Napatakip agad ako ng bibig. Bakit ako nagsalita? Baka mabosesan ako nito. Hindi ako p'wedeng mahuli!
Dahil sa panic, nabitawan ko ang gasera na hawak-hawak ko. At dahil din sa madilim, hindi ko na-balance ang aking sarili dahilan para madapa ako at naitulak ang taong nabangga ko. Imbes na malamig na semento ang maramdaman ko, matigas na dibdib ang nakapa ko. Pero hindi lang ang dibdib nito ang parte ng katawan niyang lumapat sa 'king balat. Nanlaki ang mata ko nang may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko. Inilayo ko ng ilang inches ang aking mukha at kinapa agad kung ano ang dumampi sa labi ko, ramdam ko ang mata at ang kaniyang ilong pati na rin ang malambot niyang labi.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Norland
Historical FictionKilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at sa kakaibang mundo na sa panaginip niya lamang nakikita noon. Dahil sa isang insidente, ang kaniya...