"Maayos na ba ang lahat? Nailabas na ba ang mga lamesang gagamitin mamaya? Sapat ba ang bilang ng mga upuan na naroon sa labas?" natatarantang tanong ni Kharim Celia.
Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad. Halos nalibot na nga niya ang buong kusina pero ni isa, walang sumasagot sa sunod-sunod niyang tanong. Lahat kasi kaming narito ay abala sa kaniya-kaniyang gawaing nakatoka sa amin. Gustuhin ko mang sumagot, 'di ko naman alam ang isasagot ko. Ni hindi ko nga alam kung anong ganap ngayon, e'. Matapos kong pagsilbihan ang limang Prinsipe sa agahan nila, hinigit na ako ni Ysabelle papunta rito sa kusina at ito na nga ang naabutan ko, busy ang lahat.
Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga ingredients na kakailanganin sa ilulutong putahe ni Mang Luisito, ang tagapag-luto rito sa palasyo. Nasa tapat ko naman si Ysabelle na abala rin sa paghihiwa ng mga gulay.
"Ang mga putaheng iluluto, ayos na ba? May kulang pa bang sangkap? Sabihin niyo lang nang magawan pa ng paraan. Hindi tayo maaaring pumalya rito," dagdag pa ni Kharim Celia.
Ano bang nangyayari? Hindi yata ako na-inform.
Napunta ang tingin ko sa isang taga-silbing malapit kay Kharim Celia. "Huminahon ka, Kharim Celia. Maayos na ang lahat. Nabalutan na rin ng magagarang tela ang lamesa na gagamitin mamaya. Ang lahat ay handa na."
"Mabuti naman." Nakahinga nang maluwag si Kharim Celia. Nawala sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
Ano ba kasing ganap ngayon? Sa ilang araw na pamamalagi ko rito, ngayon ko lang sila nakitang ganito ka-busy. May okas'yon ba? May magbi-birthday ba?
Hindi naman nasabi sa akin ni Kharim Celia kagabi. Nauna na kasi itong natulog at nauna rin siyang nagising kanina kaya naman hindi na kami pa nagkausap.
"Psst," mahinang sitsit ko kay Ysabelle. Hinanap niya agad kung sino ang nagsitsit sa kaniya hanggang sa dumako ang paningin niya sa 'kin.
"Ikaw ba 'yon?" mahina niya ring tanong.
Tumango ako sa kaniya sabay palihim na nagtanong kung ano bang okasyon ang mayroon ngayon. "Anong ganap?"
Hindi na ako makatiis kaya nagtanong na ako. Parang ako lang naman kasi yata ang 'di pa nakaka-alam kung anong mayroon sa araw na ito. Halos lahat sila ay may nasabihan dahil abala ang lahat.
Tumayo si Ysabelle mula sa pagkakaupo at inayos ang mangkok na pinaglagyan niya ng mga hiniwang sangkap.
"Saglit, diyan ako uupo sa tabi mo."
Ang tinutukoy niya ay ang bakanteng space sa kinauupuan ko. Mahabang upuan na gawa sa kahoy ang inuupuan namin kaya nahirapan si Ysabelle na makaalis sa p'westo niya dahil kailangan niya pang mag-excuse sa mga katabi nito at dahil na rin sa mahabang saya na kaniyang suot.
Kinuha na muna niya ang mangkok at ang ilang gulay na hindi pa nahihiwa bago ito umikot papunta sa kinauupuan ko. Tuluyan na nga siyang nakaupo sa tabi ko.
"Hindi mo pa alam ang balita?" bungad niya agad sa 'kin nang makaupo na ito sa tabi ko. Mahina ang boses niya at 'di siya nagpahalata na nagchi-chismisan kami ngayon. Kunwari ay nakayuko kami sa mga gulay na nasa harapan namin para hindi kami mahuli.
Nanatili ang tingin ko sa mga gulay na hinihiwa ko. "Hindi pa."
Hindi naman ako magtatanong at hindi rin ako magte-take ng risk na makipag-chismisan kung alam ko na ang dahilan ng pagka-busy ng lahat. May parusa pa naman sa mga mahuhuling nagchi-chismisan sa oras ng trabaho kaya ingat na ingat kaming dalawa ni Ysabelle.
"Darating ngayon ang binibining papakasalan ni Prinsipe Ravi."
Nawala ang atensiyon ko sa aking hinihiwang gulay at nabaling ito kay Ysabelle.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Norland
Historical FictionKilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at sa kakaibang mundo na sa panaginip niya lamang nakikita noon. Dahil sa isang insidente, ang kaniya...