KABANATA 11

841 92 29
                                    

"Mamahinga na muna tayo," ani ni Prinsipe Ravi matapos patigilin ang kabayo.

Lumingon ako para tingnan si Prinsipe Nesh na nakahinto na rin ngayon. Nanguna siya kanina sa pagpapatakbo pero agad din naman namin siyang naabutan ni Prinsipe Ravi. Tila sanay na sanay na ang magkapatid sa pangangabayo. Gan'to rin kaya kagaling ang tatlo pa nilang mga kapatid?

Napahawak ako nang mahigpit sa bandang leeg ni Angelito nang bumaba si Prinsipe Ravi dahilan para gumalaw ang kabayo. Nakababa na rin si Prinsipe Nesh at kasalukuyang itinatali ang kaniyang kabayo sa isang puno. Kailangan ding mamahinga ang dalawang kabayo dahil mahaba-haba rin ang itinakbo nito.

Paano naman kaya ako bababa ngayon? Tatalon na lang yata ako? Tiningnan ko kung gaano kataas ang tatalunin ko para makababa. Parang mas gusto ko na lang umupo rito sa kabayo at maghintay hanggang sa umuwi na kami. Natatakot ako dahil baka mamali na naman ang pag-apak at pagbalanse ng dalawang paa ko dahil baka pagkahulog na naman ang magiging kahihinatnan.

"Huwag mong talunin at baka mapilayan ka pa. Hayaan mong alalayan kitang makababa nang maayos," nakatingin na wika ni Prinsipe Ravi sa 'kin. Tila nabasa niya ang aking nasa isip.

Inayos niya muna ang nakakabit na apakan sa kabayo bago inilahad ang kaniyang palad sa 'kin. Kumalabog na naman ang puso ko sa 'di malamang dahilan. Dahan-dahan akong umapak sa apakan habang hawak ang kaniyang kamay. At nang tumalon na ako para tuluyang makababa, 'di ko na-tant'ya kung gaano siya kalapit kaya nasobrahan ang pagtalon ko to the point na napasubsob ako sa kaniyang dibdib nang makaapak na sa lupa ang aking mga paa. 'Di ko sinasadyang hawakan ang kaniyang kaliwang balikat at ramdam ko naman ang kaniyang kamay na nakasuporta sa likod ko para 'di kami tuluyang ma-out of balance. Halos magkayakap na kami sa posisyon namin ngayon.

Sa kaniya ba nanggagaling ang malakas na heartbeat? Pinakiramdaman ko ang dibdib niya pero wala akong marinig. Mukhang sa 'kin nanggagaling ang mabilis na tibok ng puso. Kinakabahan akong baka marinig niya rin.

"Ayos ka lang ba?"

Unti-unti akong tumingala at nakita ko ang perpekto niyang mukha na nakayuko para tingnan ako. Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang marealized kung ano ang posis'yon namin ngayon kaya dali-dali kong inalis ang pagkakahawak ko sa balikat niya at umayos ng tindig.

Mahina akong napatikhim. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. "A-Ayos lang ako. Pasensiya po, Prinsipe Ravi."

"Wala 'yon," an'ya. "Pumaroon muna kayo ni Nesh sa talon ng Hubun at susunod na lamang ako. Hahanapan ko pa si Angelito nang maayos na masisilungan," dagdag pa nito.

Ilang segundo ko lang siyang tiningnan at agad na yumuko at saka ako lumapit kay Prinsipe Nesh. I took a deep breathe. Feeling ko ang init-init!

"Hindi ko mawari kung anong dahilan ng pamumula ng iyong pisngi. Hindi naman mainit, sa katunayan nga ay napakapresko rito sa gitna ng kagubatan." Kasabay ko si Prinsipe Nesh sa paglalakad papunta sa falls na sinasabi ni Prinsipe Ravi.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi ko. Luh, am I blushing right now? Marahan kong tinapik-tapik ito para mawala ang pamumula.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napakunot ang aking noo. Anong tinatawa-tawa niya?

"May nakakatawa ba?" nagtataka kong tanong.

"May tanong ako, Zariya..." Huminto ito at seryosong lumingon sa 'kin.

Dapat ba akong kabahan? Sa boses palang niya, ipinapahiwatig nitong dapat lang akong kabahan.

"A-Ano?" nauutal kong tanong ulit.

"Bakit tila iba ang pakikitungo mo sa aking kapatid na si Ravi? Bakit pagdating sa kaniya, napakabait mo samantalang sa 'kin o sa iba ko pang mga kapatid ay napakasungit mo? Hindi pantay ang iyong pakikitungo sa amin, Zariya."

The Kingdom Of NorlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon