"Hindi mo na kailangang sumama pa, Zariya. Ngayon ay ang araw ng iyong pamamahinga kaya't magpahinga ka na lamang," ani ni Ysabelle. "Kaya na namin ito."
Kahit anong pamimilit niya sa akin na huwag nang sumama, hindi pa rin ako nakinig sa kaniya. Hindi niya ako mapipilit na magpahinga na lamang maghapon at walang gawin.
Gaya niya ay kumuha rin ako ng basket na gawa sa hinabling kawayan. Isinuot ko sa aking kamay ang hawakan nito. Napagdesisyonan ko kasi na sumama na lang sa kanila sa pangunguha ng mga prutas sa hardin. Mas nakaka-enjoy 'yon kaysa magmukmok sa kwarto at humiga lang maghapon. Sasakit lamang ang likod ko roon. Buti sana kung uso ang cellphone at wifi sa panahong ito, gugustuhin ko talagang tumambay na lamang sa kwarto at 'wag na lumabas pa. Gaya ng ginagawa ko sa modern world, manonood lang ako hanggang umabot ako ng gabi.
Matapos ng nangyari kanina sa silid ni Haya Kaira, pinaalis na ako nito. Magpapalit pa raw kasi siya ng damit niyang siya mismo ang may kagagawan kung bakit ito nabasa at nadumihan. Pinasa pa nito sa akin ang kasalanang hindi ko naman ginawa. Ako pa tuloy ang nagmukhang masama sa harap ni Prinsiper Ravi samantalang siya, inosente at ang biktima sa nangyari.
Ang weird nga, e'. Ano naman ang gusto niyang palabasin sa ginawa niya? Bakit nag-iba ang timpla ng ugali niya noong dumating si Prinsipe Ravi? Ang kaninang mabangis na lion ay naging mahinhing kuting noong dumating ang kaniyang amo.
Pinaplastic niya ba kami?
"Ayos lang, Ysabelle. Wala rin naman akong gagawin sa aming silid kaya mas mabuting sumama na lang ako sa inyo. I'm sure that I will enjoy harvesting at the same time, makakatulong pa ako sa inyo," masiglang ani ko.
Sa t'wing gumagamit ako ng English words, nakakunot lang ang noo ni Ysabelle. Aware naman akong 'di niya ako naiintindihan pero 'di ko pa rin mapigilan magsalita ng nakasanayan kong lengwahe. Mabuti na lang at tanging tipid na ngiti lang ang isinasagot nito sa 'kin dahil tamad akong mag-translate. Hindi gaya ng dalawang Prinsipe, sina Prinsipe Nesh at Dern na talaga namang kinukulit pa ako para maintindihan nila ang bawat salitang ginamit ko.
"Dahil mapilit ka, halika na." Abot hanggang tainga ang ngiti ko sa pagsang-ayon niya. Sa wakas, pumayag din ito!
Bale apat kaming taga-silbi ang papunta ngayon sa hardin para kumuha ng mga prutas. Paubos na kasi ang mga prutas na nakaimbak sa kusina. Apat na beses sa isang linggo ang pagha-harvest ng mga prutas na wala na sa kusina. Maraming naninilbihan sa palasiyo kaya naman hindi na nakakapagtaka kung paanong madaling maubos ang mga pagkain.
"Kumusta pala ang iyong pagsilbi kay Haya Kaira?" Tumabi sa 'kin si Ysabelle para tanungin ako at makichismis na rin. "Ano ang kaniyang iniutos sa 'yo? Ikaw ang kaniyang hinanap kahit pa araw ng pamamahinga mo ngayon."
Hinawi ko muna ang ilang hibla ng buhok sa 'king tainga. Lumalakas na ang hangin dahil hapon na. At sa ganitong oras, tila nagsasayawan ang mga puno na nakahilera sa hallway na dinadaanan namin papunta sa hardin dahilan para mahampas din kami ng preskong simoy ng hangin. Maging ang suot naming hanbok ay nililipad na ang laylayan nito. Hinahawakan ko naman ito para hindi ako matalisod kung sakaling maapakan ko ito.
"Hindi ba't napakabait niya?" Inunahan niya akong magsalita. "Hinahangaan ko talaga si Haya Kaira. Bukod sa napakaganda niya ay ubod pa ng bait. Bagay na bagay talaga sila ni Prinsipe Ravi." Hindi nito naitago ang pagkakilig.
Napangiwi ako sabay taas ng kilay sa sinaad niya.
"Hindi ka sure," ani ko.
Ang tagal na ni Ysabelle rito sa palasyo kaya naman matagal na rin niyang kilala si Haya Kaira at ayokong kwestiyon-in ang pagkakilala niya kay Haya Kaira. Marahil ay mabait nga talaga ang binibini sa pakikitungo nito sa kaibigan ko. Pero sapat na rin ang nasaksihan ko kanina para malaman ang tunay na kulay nito. Ibang-iba kami ni Ysabelle ng pagkakilala sa mapapangasawa ni Prinsipe Ravi.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Norland
Historical FictionKilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at sa kakaibang mundo na sa panaginip niya lamang nakikita noon. Dahil sa isang insidente, ang kaniya...