"Simala Shrine Church is a religious structure and establishment here at Sibonga Town, Cebu's southernmost province. In the 16th century, European missionaries which are the Spanish, planted the seeds of Catholicism in Cebu Province, and churches were built," k'wento ng instructor namin sa Philippine History. "Simala Shrine Church is now one of the most popular religious destinations in the Philippines. One of the most important aspects of most Filipino Catholics' lives is pilgrimages or visits to religious sites. This feature helps them maintain their confidence and persevere in the face of adversity."
Patuloy lang ang pagsasalita ni Ma'am pero hindi ito ina-absorb ng utak ko. Lumulutang ang isip ko at kahit anong pagkagusto kong makinig, hindi ko magawa. Naririnig ko naman ang mga sinasabi niya tungkol sa history ng simbahang ito pero hindi ko alam kung bakit wala pa rin akong maintindihan. Ang utak ko kasi ay lumulutang sa hangin kaya hindi ako maka-focus ngayon. Dahil ito sa sobrang kahihiyan na nangyari kanina. Napapabuntong hininga na lang ako sa tuwing naiisip ko ang ginawa kong katangahan.
Nakapasok na kami sa bungad ng Simala Shrine at unang apak ko pa lang sa loob, may naramdaman na akong kakaiba. Nakikita ko ang Kaharian ng Norland sa simbahang ito dahil sa pagkakahawig nila ng estruktura. Kaya naman pakiramdam ko ay nasa Kaharian ng Norland pa rin ako ngayon.
Mapapamangha ka talaga dahil sa disenyo na mayroon ang simbahang ito. Tila isa itong palasyo dahil sa sobrang ganda!
Palasyo...
Inilibot ko ang aking paningin. Sobrang lawak ng espasyo na nilaan para maipatayo lamang ito. Ang disenyo nito ay inspired sa mga palasyo na nakikita noong unang panahon ngunit ang pinagkaiba lamang ay mas in-extend ito. Mapapagod ka talaga kung lilibutin mo ang kabuuan ng simbahan. Nasa kalagitnaan ka palang, hinihingal at pasuko ka na. Ganoon kalawak ang simbahang ito na gaya rin sa palasyo ng Norland.
Kasalukuyan kaming naglalakad upang tuluyang makapasok sa loob ng mismong simbahan. Nangunguna ang mga instructor ng iba't-ibang department at nakasunod naman sa kanila ang mga student council, isa na nga roon si Raven o mas kilala bilang si Prinsipe Ravi. Hindi man nito aminin, malakas ang hinala kong siya ang reincarnate ng dating Prinsipe. Base na rin sa ipinayo niya kanina, masasabi kong may alam siya tungkol sa nakaraan. Pero naiinis pa rin ako sa kaniya ngayon dahil sa ipinayo niya kanina sa 'kin na agad ko namang sinunod. Dahil sa kaniya, mas napahiya ako kay Klein. Nagsisisi ako na nakinig ako sa kaniya. Sana ay hindi ko na lang ginawa iyon dahil never ko yata 'yon makakalimutan. Sa tuwing naaalala ko, kahihiyan ang aking nararamdaman.
"Hindi ba't napakaganda ng simbahan na ito?" tanong ni Ma'am Noble nang huminto kami sa gitna. Pinagitnaan kami ng magkabilaang hagdan. Tanaw na tanaw rin namin ang mismong simbahan.
Tumango ang lahat sa sinabi ng isang instructor. Maraming mga estudiyante ang sumang-ayon dahil totoo naman. Busog na busog ang aming mga mata sa ganda ng aming nakikita. Lalo na ang mga first time lang makapunta sa mga ganitong klase ng simbahan, hindi maitatanggi ang kanilang pagkamangha. Habang naglalakad ay kinukuhanan nila ng mga picture ang paligid.
Aside from the beautiful structures, spacious and green environment, you'll find various religious things inside and outside of the church.
Nanguna sa paglalakad ang mga instructor sa kanang hagdan. Nakasunod pa rin kaming lahat. Hindi raw kami p'wedeng magkaniya-kaniya dahil napakastrikto ng simbahan na ito. Kailangan na i-maintain lagi ang disiplina.
Maging sa pananamit nga ay may guidelines na dapat sundin, bawal magsuot ng maiksing short or skirt at bawal ang mga sleeveless tops. Kaya sinadya talaga namin na magpagawa ng sariling t-shirt para sa araw na ito, may sarili ding design ng shirt ang bawat department kaya categorized pa rin kami based on the color of our shirts. Kaming Accountancy ang Business Administration students ay kulay yellow. Ang mga Engineering at Architecture students naman ay kulay Maroon, katulad ng suot ni Klein kanina at ni Leslie. Hindi ko na alam ang ibang kulay at courses na narito. Sa kulay ng shirt namin, makikilala agad kung ano ang course namin.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Norland
Historical FictionKilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at sa kakaibang mundo na sa panaginip niya lamang nakikita noon. Dahil sa isang insidente, ang kaniya...