KABANATA 15

914 89 49
                                    

Pagkamulat ko ng aking mga mata, nadatnan kong wala na si Kharim Celia sa kaniyang kama. Napabangon na rin ako agad dahil sumisilip na si haring araw. Kailangan ko nang pumunta sa loob ng palasyo dahil tutulong pa ako sa mga gawain sa kusina.

Nakaupo na ako sa gilid ng kama nang masilayan ko ang isang bagay na nagbigay sa 'kin ng matinding kaba kagabi. Kinuha ko ito at hinawakan. Binasa kong muli ang nakasulat dito.

"Arsh," basa ko sa 'king isipan.

Sapat na itong bracelet na hawak ko para makilala ang taong 'yon. Iisang lalaki lang ang nakabangga ko noong nagdaang araw at noong kagabi lang. And the worst part, nakahalikan ko pa siya! So, kahit gusto ko mang isauli ang bracelet niya ay 'di ko magawa. Kung gagawin ko man 'yon, paano? Baka ikapahamak ko pa. Malalaman niyang ako ang taong nakabangga niya. Paano kapag tinanong niya ako kung anong ginagawa ko sa labas sa gano'ng oras? Malulusutan ko kapag ang tinanong niya ay ang nangyari kagabi dahil tunay naman na magpapahangin lamang ako pero 'yong nangyari noong madaling araw na nag-ulat ako sa 'king Inang Reyna? Parang imposible kong malusutan ang isang 'yon. Lalo pa't may kakayahan itong makabasa ng iniisip ng isang tao. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

Isa pang sumasagi sa 'king isipan ay ang rason ni Prinsipe Arsh kung bakit nagagawi siya sa silid ng mga taga-silbi? Dahil ba naroon ang lagusan na nagsisilbing daan niya sa kung saan man siya papunta? Pero... bakit? Hindi ba't pinagbabawal ng kanilang Amang Hari na 'wag lumabas sa gabi? Bakit niya nilabag ang utos ng kaniyang Ama? Saan siya nagpupunta? Sino o ano ang rason ng pagsuway niya kay Haring Valor? Nagawa niya ang bagay na hindi niya dapat gawin. Gusto ko mang magtanong at alamin, mas maigi na lang na manahimik ako.

Bumuntong hininga muna ako bago ko nilagay sa loob ng aking unan ang bracelet ni Prinsipe Arsh. Hindi dapat makita ni Kharim Celia ang bagay na 'to, baka kung ano pa ang isipin niya. Baka nga iulat pa niya ang pangyayaring iyon sa aking Inang Reyna at maisipan na gamitin iyon sa planong binubuo nila.

Sinigurado kong maayos ang pagkakalagay ko sa loob ng punda ng unan. Matibay naman yon dahil gawa sa metal kaya kampante akong 'di 'yon masisira. Walang magtatangkang kunin ang unan at suriin ang loob nito. Ako lang ang nakakaalam ng bagay na iyon at hindi ko ito ipagsasabi sa iba kahit kay Ysabelle na kaibigan ko.

Tumayo na ako para kumain. Naligo na rin ako't nagbihis. Sinigurado kong maayos ang aking sarili bago lumabas ng aming silid. Iiwan ko ang mga gumagambala sa aking isip upang makapag-focus at hindi makaapekto sa aking trabaho.

Lumabas na ako ng silid at siniguradong nakasara ang pinto. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway palabas ng silid ng mga taga-silbi nang may sumagi sa kanang balikat ko dahil nagmamadali siyang lumabas. Huminto naman ito dahil sa hindi sinasadyang pagbangga sa akin.

"Pasens'ya ka na, Zariya. Hindi ko sinasadyang masagi ka," paghingi ng pasensiya ng kapwa kong taga-silbi rin. Hindi ko alam ang kaniyang pangalan pero madalas ko siyang nakikita sa kusina, marahil ay sa kusina lang siya nakatoka.

"Ayos lang," nakangiting wika ko. Tumigil siya sa harap ko at napansin kong hinihingal siya sa pagmamadali. Na-curious naman ako kaya 'di ko na napigilang magtanong. "Pero... maaari ko bang malaman kung bakit ka nagmamadali?"

Tila may hinahabol siya at kailanga niyang makapunta roon bago matapos ang palugit na oras na ibinigay sa kaniya.

"Pinapatawag kasi ni Prinsipe Arsh ngayon din ang lahat ng mga taga-silbi."

Mas lalo akong naging interesado sa binalita niya. "B-Bakit daw?"

"Maging ako ay 'di ko rin alam. Binalita lang sa 'kin ng kasama ko sa silid kaya wala talaga akong ideya. Nakakapagtaka nga dahil ngayon lang nagpatawag si Prinsipe Arsh ng mga taga-silbi," sagot nito. "Maaaring may mahalaga siyang iuutos o kaya naman ay may nais lamang itong sabihin."

The Kingdom Of NorlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon