HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 11/40Josh's POV
Nasaktan ako para kay Riel. Alam ko ang hirap na dinaranas niya ngayon. Sort of, kahit hindi ko pa iyon nararamdaman.
Pero mas doble ang sakit ang naramdaman ko noong makita ko si Eli na wasted dahil sa pagbusted sa kanya ni Riel. Hindi ako magagalit kay Riel, I asked it from him. Para may love story na rin akong masimulan.
Okay lang na rebound ako. Tanggap ko 'yun.
Nakita ko lang na nakasandal sa isang sulok si Eli. Ngayon lang siya umiyak. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He cried so soft. Hindi yung tipong, hagulhol. I've texted Riel na nakita ko na siya.
Ganun ako minsan e. Suki ako noon sa elementary days ko na ibully. Natural sa mga mataba yun. Mabuti na lang nandoon si Riley para ipagtanggol ako.
"Okay ka lang ba?" Bigla kong sulpot sa kinaroroonan niya.
Napatingin siya sa akin at agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Tumayo siya at aktong aalis na ng magsalita akong muli.
"Okay lang na umiyak ka sa harap ko. Makikinig lang ako." Saad ko. Napatigil naman siya ng sabihin ko iyon. "Kaklase mo ako. Josh. Josiah Alarcon."
Aktong aalis na naman siya ng hawakan ko na ang kanyang braso.
"Gusto kita, Eli. I can help you." Diretsong saad ko sa kanya. "Maghihintay ako, hanggang sa magustuhan mo rin ako." Dagdag ko.
Nakatingin siya sa akin ng seryoso, kaya binigyan ko siya ng ngiti. "I know na mahirap maniwala sa taong kakakilala mo pa lang. Pero, I'm one of the people who you can trust."
Sumuko na siya sa pagtakas. Umupo siyang muli sa damuhan. Dito nangyari yung kanina sa pagitan namin ni Riel. Unexpectedly, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-usap kaming muli. And asked this from him.
Masaya ako na makakausap ko na ang taong nagpatibok nitong puso ko. I'm so grateful that Riel let go of Eli. Ako na ang bahala sa paghilom ng sugat niya, simula ngayon.
"Makikinig lang ako. Promise." Saad ko ng makaupo na ako sa tabi niya.
Napatingin naman siya sa akin. Tumango ako sa kanya. Paniniguradong, ako'y mapagkakatiwalaan niya. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata. He's really into Riel. Paano pa kaya kung in love na siya rito?
"Please tell me when to stop..." Tugon niya sa akin.
"You can stop now. I'm here to mend your broken heart." Sabi ko sabay, dampi ng kamay ko sa kanyang dibdib.
-----
Riel's POV
Ang aga ni Red nang dumating sa bahay, hindi pa nga ako nakakapaligo, andun na siya.
"Inagahan ko na, baka kasi takasan mo na naman ako." Aniya nang talagang nagulat ako literal sa pagdating niya. Namamaga pa nga yung mata ko sa kakaiyak.
Mabuti na lang at nakapagluto na ako ng agahan. Buti na lang pala, naisipan ko na busugin ang sarili ko ngayong umaga.
"Ang sarap mo talagang magluto!" Masaya niyang sambit.
Napailing naman ako, at lihim na natuwa sa kanyang tinuran. "Weh? E, piniritong itlog at ham lang naman yan ah. Natural na kaya ang lasa niyan kapag nailuto."
"Masarap naman talaga ah. Lalo na't ikaw pa ang nagluto." Pangungumbinsi niya pa rin.
"Mambobola!" Napangiti ako ng wagas.
"Finally! Okay ka na? Don't think to much about what happened yesterday. Eventually, matatanggap na rin ni Eli ang desisyon mo. So... tayo na?" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Argh!
BINABASA MO ANG
A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]
RomansaEveryone feels love but not everyone knows the real definition of it. There are many ways to express or to show our love to someone not only in a romantic way to the person you are in love with, but to your love ones and to everyone. Love is an emo...