HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 17/40Riel's POV
Masaya ang naging hapunan sa bahay ng mga Ariola. Napuno ito ng bukingan tungkol sa kabataan ni Red. Kaya't marami akong nalaman tungkol sa kanya. Hindi naman kasi ako stalker noon. I've never resorted to such things, kasi magmumukha lang akong masama sa mata niya.
"Pwede ka naman ditong matulog e." Parang batang pakiusap ni Mama sa akin.
Oo, Mama na talaga ang tawag ko sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay sa Mommy, Mom, o kaya nama'y 'My. Okay naman na sa kanila ang pagtawag ko ng ganoon.
Napakamot na lang ako sa aking batok. Kanina pa siya nangungulit na dito na lang daw ako matulog sa kanila. Sa kwarto raw ni Red. Gustuhin ko man ay gusto ko ring macheck ang bahay. It's been a week, na wala doong tao.
"Sorry po, Ma. Kelangan ko rin po kasing i-check yung bahay. Tsaka may pasok po kami bukas." Ngiti na lang ang pinangtapos ko sa tugon ko sa kanya.
"Sabi ko naman sa'yo, palabhan na lang natin e. May dryer din kami. Bukas tuyo at plantsado na rin yun." Aniya. Tinutukoy niya yung uniporme kong dala sa field trip. Yun kasi ang sinuot namin noong last day.
Tumingin ako kay Red para magpatulong. Maskin siya'y gusto akong matulog dito. Haha! Alam na this. Pero, sabi ko nga, we're just starting. May hiya naman ako. Tsaka may bahay naman ako. Baka bisitahin ako nina Mama, Papa, Ate at Kuya Terrence sa panaginip, dahil pinabayaan ko na ang bahay namin.
"Hayaan niyo na si Riel. Besides, this is not the last, di ba? Marami pang pagkakataon." Pangungumbinsi ni Papa sa kanila. Nahalata siguro niyang, ilang pilit na lang ay susuko na ako. Pero kailangan ko talagang umuwi e.
"Eeeeeeeee!" Parang batang pagtutol ni Mama.
Napangiti na lang ako sa reaksiyon niya. Ganito pala dito sa kanila. I've never imagined na para lang silang magbabarkada. Well, kami nina Mama, Papa at Ate ay ganun din naman, pero may niset na limitasyon sina Mama para doon. Naintindihan din naman namin sila.
"Kahit labag sa loob ko, sige na nga. This isn't the last. So, we better not to be possessive to Riel, Mom." Ani Red.
"Red!" Pinandilatan niya ang anak. "Dapat pinaglaban mo! Ayaw mo bang makatabi si Riel?" Pangtitempt nito sa anak.
Napailing na lang kami ni Papa sa kanila. Si Red kasi'y natatawa na. Nako, alam ko na ang iniisip niya. Nasa byahe pa lang kami'y yun na ang nasa isip niya. Ngunit, subalit, dapatwat, kahit gusto ko ma'y 'wag muna. I'm not a hypocrite. Haha! May tamang panahon para doon. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nag-iisip noon, pero! Ah, basta! Haha! Nakapagdesisyon na ako. Haha!
"Marami pa pong pagkakataon, Ma. Promise ko po iyan. Nandoon din po kasi yung mga gamit ko sa eskwela. Sorry po kung hindi talaga kita mapagbibigyan." Sabi ko.
"Sige na nga!" Pagsang-ayon niya. "Pero, promise mo 'yan ha?" Dagdag niya.
Tumango naman ako bilang tugon.
"O siya! Ihatid mo na si Riel, Red. Pero, papasamahan ko kayo sa driver. Medyo malalim na ang gabi, kaya't hindi na pwedeng, ikaw lang mag-isa ang maghatid kay Riel." Aniya.
"Sige po, Mom." Sagot naman sa kaniya ng anak.
"Sige po, Mama, Papa! Sa uulitin na lang po. Maraming salamat din po sa pagkain. Nabusog talaga ako. Paalam po!"
"Sige na, Riel. Sa susunod ha?" Pag-uulit niya.
"Helena." Pagkuha sa kanyang atensyon ni Papa, pinandilatan niya ito.
"Hehehe! Naninigurado lang naman ako Seth, e." Lumapit siya dito tsaka nilambing.
"Ikaw kasi! Pagkatiwalaan mo na lang si Riel. He promised, that's enough." Aniya.
BINABASA MO ANG
A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]
Любовные романыEveryone feels love but not everyone knows the real definition of it. There are many ways to express or to show our love to someone not only in a romantic way to the person you are in love with, but to your love ones and to everyone. Love is an emo...