PAHINA 41- FINALE.

55 2 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT

T H E F I N A L E

Red's POV

"Gabriel Ariola, please!" Agad kong tanong sa unang Nurse's Station na nakita ko.

"Kaanu-ano niyo po ang pasyente?" Tanong noong nurse.

"Asawa ko." Tugon ko.

Panay ang libot ko ng aking paningin baka makita ko man lang sina Mom.

"Room 311 po, Sir." Anito.

"Salamat!"

Walang lingon akong umalis doon saka tinungo ang elevator. Abot-abot na ang kaba sa dibdib ko e. Simula pa noong nagdadrive ako papunta rito. Kung kailan ka ba naman kasi nagmamadali saka naman congested ang traffic.

Panay na nga ang mura ko sa kotse kanina. Tinatawagan ko sina Mom at Dad, gano'n din sina Brett at Iris, maging si Dr. Febre, pero hindi ako sinasagot. Halos ingay lang siguro mula sa busina ng kotse ko ang maririnig doon.

Nang nasa harap na ako ng elevator ay panay ang pindot ko roon, pero nasa 4th floor pa iyon. Paglipat ko naman sa isa'y gano'n din. So, no choice. Sa hagdan na lang. Argh!

Hingal akong hinahanap ang kwarto kung saan naroroon si Riel. Gusto kong malaman ang kalagayan niya, pero may parte sa pagkatao kong hindi malaman ang gagawin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi maganda ang makikita ko roon.

Nang makita ko ang room na hinahanap ko'y katulad kanina sa bahay ay huminga ako ng napakalalim, para kalmahin ang sarili ko, at para na rin maibsan ang pagod sa pag-akyat ko sa hagdan. Heto na 'to, possibilities: Magandang balita, at syempre masama.

Gulat ang lahat sa pagpasok ko roon sa kwarto. Tahimik lamang na nakatingin sa akin si Brett. Yakap-yakap naman ni Iris si Beegee. Si Mom ay hindi ko mawari ang nararamdaman. Dad's just hugging her.

"How's you trip, son?" Ani Mom.

"Anong nangyari, Mom?" Agad kong tanong.

"Kalma lang anak, okay?"

"Paano ako kakalma, when you're not answering my damn calls and not telling me what's going on? Nasaan si Riel? Nasaan ang asawa ko?" Gigil kong tanong.

Ang paggalaw ng ulo ni Mom sa direksyon ng patient's corner ang tangi nitong ginawa.

"I'm sorry for yelling, Mom. I didn't-." Pagpapaumanhin ko.

Umiling lamang ito sa akin saka ngumiti. Is that a good response?

Dahan-dahan kong tinungo ang parte ng kwartong iyon, ang patient's corner. Nakita ko roon ang likod ni Riel. With that sight, nabunutan ako ng tinik. Namuo rin ang luha sa paligid ng mga mata ko.

Nagkamalay na ang asawa ko! Nagbunga na lahat ng paghihintay ko!

Nakaharap ito sa bintana. I don't know kung spacing-out na naman siya o kung anuman, kasi hindi niya man lang narinig na naririto na ako. O natural na iyon sa mga pasyenteng nagkaroon ng malay galing sa coma?

I want to hug and kiss him. Pero... may kung ano pa ring bumabagabag sa utak ko.

"R-Riel?" Tawag ko sa kanya.

Parang nag-slow motion ang mundo ko nang paunti-unti kong makita ang ngiti sa kanyang mukha. That smile I longed for. Ang mga mata niyang mapanuri ma'y puno naman ng katangian.

"Hi! Sino ka?" Tanong na nakapagpatulala sa akin. "Kilala mo rin ako?"

Lol! Joke lang. Acting lang iyon. Hindi talaga marunong umarte ang asawa ko! Ang dali-daling malamang umaarte lamang siya. Alam ko na ang gagawin ko.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon