PAHINA 3

70 5 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 3/40

"I don't know if I can forgive you, just like that. Okay, nagpapasalamat ako na nailigtas mo ako sa holduper na yun. Utang ko sayo ang buhay ko. Pero... damn, I don't know!" Napabuntong-hininga na lang ako.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto na pinaggamutan kay Red.

Dumating na rin ang Mommy niya.

"Oh, Mr. Dela Rama, what happened here? Anak, okay ka na ba?" Sunod-sunod na tanong niya saamin. Pinayuhan ko kasi siyang tawagan ang Mommy niya kanina.

"Nailigtas po kasi ako ni Red sa holduper kanina. Imbes po na ako ang masaksak, siya po. Buti na lang, hindi naman po ganun kalala." Tanging naisagot ko. Tumango na lang ito saakin.

"I'm okay, Mom." Paninigurado nito sa ina. Nalipat naman ang tingin nito sa anak.

"Uhm... Alis na po ako. Baka po kasi hinahanap na ako ni Ate sa bahay." Pagpapaalam ko kay Madaam.

"Ihahatid ka na namin iho." Saad nito.

"Naku, wag na po. Kelangan po ni Red ng pahinga. Siya na lamang po ang alalahanin niyo." Sagot ko rito.

"Sigurado ka ba?" Aniya.

Isang tango lamang ang naitugon ko sa kanya.

Naglipat ako ng tingin kay Red.

Nagtagpo ang aming mga mata.

Now I know. Sincere siya.

Pero di ko alam, hindi naman ganun kadali ang magpatawad di ba?

"Salamat ulit sa pagliligtas sakin..." I don't really get it now. Bakit parang gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon? Kasi, originally, gusto ko naman talaga siya? That, mali pala yung pagkakaintindi ko sa mga ginagawa niya sa akin?

"About sa napag-usapan natin..." I really don't know. Seeing his eyes like that? It proves to me that he's willing to lower his pride. He's really sorry. Bakit kasi ang gwapo niyang mukha ang nakikita ko ngayon? Nagigiba tuloy ang pader na matagal kong itinayo sa pagitan namin. Aish! Kung anu-ano na naman ang iniisip ko! Erase! Erase!

"Pag-iisipan ko. It's not that easy to forgive, but I'll try to consider." Huling salita ko't tuluyan nang umalis doon. Naguguluhan man ako. Perhaps, I'll have my time to think about it all over.

-----

Red's POV

Yes! May pag-asa na akong mapalapit kay Riel! Este, Gabriel!

Riel daw oh? Close ba kayo? Tanong ng kabilang isipan ko.

Eh bakit ba? Pwede ko naman yung itawag sa kanya kahit sa sarili ko lang di ba?

You know what? 1 year na rin nung maisipan kong magpapansin kay Riel.

From a nice guy, turned to a bully ang drama ko noon.

Ewan ko nga ba.

Nagkainteres ako sa kanya nung dinala siya ni Brett noon sa birthday party ng kapatid kong si Andrei.

Naiinggit ako kay Brett kasi may kaibigan siyang masayahin, mabait, matalino, mapag-alaga, prangka, at maraming pang ibang katangiang pwedeng makita sa isang tao.

That day, sinabi ko sa sarili ko na gusto ko ring maging kaibigan si Riel.

Pero, hindi ko naituloy ang balak ko, nang mabalitaan na lang namin na namatay ang mga magulang niya sa aksidente.

Hindi ata tama ang pagkakataong yun para makuha ang atensyon niya.

Oo, mali na ipinagpaliban ko ang pagkuha sa atensyon niya't maging kaibigan siya.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon