PAHINA 24

10 1 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 24/40

Dave's POV

"Ano sa tingin mo? Kaya pa kayang ibalik?"

"I guess... I think, head over heels naman si Riel sa kanya, just like Red to him."

"I know. Maganda nga 'yon e. Hindi ko rin naman kasi siya matanggihan."

"Madali na lang 'yan, Bae. We'll just act according to what we'd planned."

Iniharap ko ang sarili ko sa katabi ko sa kamang si Seb. Namiss ko talaga siya. 1 week na rin kami dito sa Pilipinas. Gan'on nga talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Every single day, mamimiss mo talaga.

'Yong sa plano? I just want to make things more exciting.

"Okay lang naman sa'yo na halikan ko si Red 'di ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Of course... It's just a kiss. You won't mind if I will be kissing Riel too, right?" Tugon niya.

Ewan ko nga ba. Okay lang naman sa akin, pero the moment that he said that, parang may kirot. Well, parehas lang din naman siguro kami ng nararamdaman. Kailangan, kasi, gusto rin naman naming tulungan si Red.

Dahil sa kanya, nasalba pa namin ang relasyon na ito. Kaya't we're willing to help him.

"Mmmmm. S-siguro hindi na lang tayo lalampas doon." Sagot ko. As if hindi namin ginagawa 'yong, alam niyo na.

"I miss you, Bae..." Aniya matapos ang ilang minutong katahimikan.

Naramdaman niya na rin siguro ang awkwardness sa topic na pinag-uusapan namin. I guess, it can't be help. Kiss lang naman 'di ba? Game naman si Red. But, I doubt if he will permit Seb, to kiss his one and only.

"I miss you, so much, too, Bae!" Pilit kong taboy sa isiping iyon.

Hindi ko na napigiling hagkan at halikan siya. Then our long night, started. Gehe!

Riel's POV

"Ang daya neto!" Ani Liz.

Nandito kami ngayon sa Starbucks, libre daw ni Jasper. Mag-aalas dose na nang umalis kami sa Bar.

"Bakit?" Tugon ko naman sa kanya.

"Tss! Nagtanong ka pa! Namiss na rin kaya namin ang pagbabanda." Inirapan lang ako.

"Oo na! Gusto ko lang muna kasing mag-drama ngayon. Gan'on! Hayaan mo na, sa Sabado, ang banda na naman ang lalabas doon. Tsaka may pasok kaya kayo ni Leer. At least kaming college, hawak namin ang oras namin."

"Oo na! Kayo na ang college na! Tss!"

"Hay nako! Tigilan niyo na nga 'yan! Ano bang gusto niyo?" Pagsuway sa amin ni Jasper.

Napairap lang si Liz sa hangin habang ako nama'y ngingiti-ngiti lang. Ang arte nitong isang 'to! Grabe!

"Namiss ko kayo, guys." Out of the blueng saad ko sa hangin.

Nagkatinginan lang silang lahat, maging si Kuya ay gan'on din ang reaksyon sa sinabi ko. Kahit kasi magkasama kami sa bahay, lagi ko namang ina-isolate ang sarili ko sa loob ng kwarto pagkatapos ng mga gawain.

Masyado akong nag-isip these past few days because of what I saw at the airport.

Isa pa... hindi ko alam ang buong kwento sa mga nangyari sa kanya sa Amerika. Sana, makausap ko siya...

Gusto ko siyang hagkan... pero... hindi ko alam kung ano ang aabutan ko sa mangyayaring pagtatagpong iyon.

Gusto ko na rin namang matapos ang paghihirap ko e.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon