PAHINA 30

12 1 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 30

Red's POV

Umuwi ako sa bahay na wala sa sarili. Buti na lang at nakapagdrive pa naman ako ng maayos.

"What happened to your face?" Tanong ni Andrei nang makita nila ako ni Reese pagkapasok ko sa bahay.

"Wala 'to. I deserve this. Dahil sa akin, umalis si Riel ng walang paalam. At walang nakakaalam kung saan siya pupunta." Tugon ko.

Pabagsak na lang akong umupo sa sofa.

"What?! What do you mean?" Wika Andrei.

"Umalis si Kuya Riel? Bakit?" Tanong naman ni Reese.

Talunan akong napailing sa kanila. I really want to know where he went. Para hanapin siya. To fix everything... Pero... ako naman talaga ang dahilan ng paglayo niya. I should've listened to Mom. Nasa huli na nga talaga ang pagsisisi.

Inilabas ko na lang ang dalawang maliit na box sa aking bulsa, binuksan ang mga ito, saka ito tinitigan ng mabuti. Maibibigay ko pa kaya ito sa kanya?

"Nasaan ang Medicine Cabinet ninyo? Kailangan 'yang magamot." Ani Reese na may pag-aalala.

"No, Reese. It's okay. Leave it there." Agad na lang akong tumayo para umakyat na sa kwarto ko. "Ihatid mo na lang si Reese. Matutulog na ako." Saad ko kay Andrei.

Wala sa wisyo itong napatango na lang sa akin.

I don't even know what to do now.

Pabagsak akong nahiga sa aking kama. Thinking about what is happening. Kung hindi ako umalis, hindi sana ganito ang mangyayari sa pagitan namin ni Riel.

Ang ginawa niya lang naman ay ang mahalin ako.

Bullshit na insecurities mo 'yan, Jared! Pwede ka namang maging karapat-dapat sa kanya, kahit hindi ka umalis noon 'di ba? Pwede ka namang makipagkompetensya sa mga taong lalapit sa kanya! Napakalaki mong tanga!

"Mom, Riel is missing."

Dumaloy na lang sa pisngi ko ang kanina ko pa pinipigilang luha sa mga mata ko. Kasalanan ko 'to. Paano na ngayon?

Zeke's POV

"Riel!" Sigaw ko habang tumatakbo sa kanyang kinatatayuan.

Tanging ingay na lang mula sa preno ng isang kotse ang narinig ko.

Nang makita kong tumigil ang kotse ay agad kong niyakap si Riel. Thank God!

"Kingina! Magpapakamatay ba kayo!" Sigaw no'ng driver ng kotse na babangga sana kay Riel.

"Kim? Kim Cipriano?" Dahil sa dumaang sasakyan ay nakita ko kung sino ito.

"God dammit! Yamson?!" Aniya sabay aninag sa madilim na daan. "What the fuck? Magpapakamatay ba kayo? 'Wag niyo nga akong idadamay, ha? Marami pang mga bagay sa mundo ang gusto kong maranasan. Kung magpapakamatay kayo, may bangin dito! Maghanap kayo! Takte!"

"Sorry!"

"Sorry. Sorry. E kung hindi ko 'yon naipreno, ano pang silbi ng sorry mo?" Galit pa ring tugon niya. "Tss. Tabi na nga, nagmamadali ako!"

Yakap-yakap ko lang si Riel na panay ang panginginig. Tumabi kami sa kalsada tsaka naman pinaharurot ni Kim ang kanyang kotse.

May trauma pa rin ba siya? Mag-iisang taon na, 'di ba?

"If you want to forget everything, may alam akong lugar. Payapa. Hindi matao. Kung nag-aalala kang pipilitin kita na gustuhin ako, no worries. I'll stop. I'll let you heal your heart."

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon