HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 31Riel's POV
Pumalaot kami nina Mama papuntang bayan para magsimba. Linggo ngayon at isang araw na lang ang hihintayin ko para makita ko ulit si Red. Excited na ako!
Susunduin na rin pala namin sina Dave at Seb.
Kaya pala nakita kong nakahawak si Dave noon sa braso ng kaklase ko'y dahil sila pala talaga ang tunay na magkasintahan. Bakit kaya pumayag si Seb na magpanggap ang kasintahan niya, bilang kasintahan ng gagong Red na 'yon?
Oh well, papel!
Si Seb naman, tapos na sa pagkoculinary. I mean, chef na siya. Although, sa Amerika siya nakabase dahil sa restaurant na itinayo nila ng kanyang pamilya.
Lahat ng mga detalyeng 'yon, nalaman ko no'ng gabing 'yon.
At least, isa-isa nang lumilinaw lahat sa akin. I know it's weird to accept things that easy, pero... nangyari na, tinanggap ko ng maluwag sa aking kalooban.
Nang malaman ko iyon ay gumaan agad ang pakiramdam ko. I'm not the old Riel na, nagtatanim ng galit sa isang taong nakagawa sa akin ng kasalanan. Nagbago na ako.
And it's Red... my Jared Isaiah Ariola.
Pagkatapos ng misa ay agad na kaming pumunta sa airport para salubungin ang dalawa. Wala pa silang alam na naririto na ako. Na alam ko na ang lahat. Si Zeke kasi hindi naman sumama sa amin dahil hahanapin niya raw si Alvin.
Malaki nga talaga ang tama ng isang iyon sa dati kong kaklase.
Ilang minuto na lang ang hinihintay namin sa pagdating ng dalawa.
Abala si Papa sa pagsagot ng mga tawag sa kanya galing sa Naga. Samantalang si Mama naman ay nakasandal sa aking balikat.
"Masaya talaga akong hindi ka nagalit sa amin, despite of what we did. Ang swerte ng anak ko sa'yo. Ang swerte namin." Aniya.
"Mama. Maswerte rin naman po ako kay Red, hindi lang talaga siya kompyansa sa sarili niya. Lagot talaga 'yon sa akin! Sa inyo rin po, hindi ko po naramdaman na wala na akong pamilya dahil ipinaparamdam niyo sa akin na isa ako sainyo. I still feel that I have a family to lean on." Tugon ko.
Hinawakan niya lang ang kamay kong nakapatong sa aking hita. May sasabihin pa sana siya nang namataan na namin ang dalawa.
Gaya noong nakita ko silang intimate sa isa't isa do'n sa bar, 'yon din ang nakikita ko ngayon. Hindi pa nila kami napapansin kasi, parang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila.
"Dave! Sebastian!" Tawag sa kanila ni Mama.
Tumayo ito at gano'n na rin ang ginawa ko. Nakita ko rin na nasa tabi na namin si Papa habang nagpapaalam sa kanyang kausap.
"Tita-." Masaya niya sanang tawag kay Mama, ngunit natigilan siya nang makita ako.
Agad niyang binitawan ang kasintahan at nagkunwaring walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ngumiti lamang ako sa kanya. Gano'n rin ang ginawa ni Seb sa akin.
Nang makalapit sila'y ang nagtatanong na mata ni Dave ang sumalubong kay Mama. As if hindi nila ako rito kasama.
"Don't worry, Dave. Alam na ni Riel ang lahat. You can act as lovey dovey all you want with your boyfriend." Natatawang tugon sa kanya ni Mama.
Nagtatanong pa rin ang mga mata nito, pero dahil lang sa isang tango ng mag-asawa sa kanila'y nakakuha ito ng kasagutan. Napahawak naman ito sa kanyang dibdib at napabuntong hininga.
"Argh! Akala ko'y sisintensyahan na ako!" Aniya saka pumulupot ulit sa braso ng kasintahan. "Alam na po ba ito ni Red?" Dagdag niya na palipat-lipat ang tingin sa aming tatlong nasa harap nila.

BINABASA MO ANG
A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]
RomanceEveryone feels love but not everyone knows the real definition of it. There are many ways to express or to show our love to someone not only in a romantic way to the person you are in love with, but to your love ones and to everyone. Love is an emo...