PAHINA 20

18 1 1
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 20/40

Riel's POV

"HAPPY BIRTHDAY, RIEL!"

Nganga.

Hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Speechless.

Ewan ko nga ba. Nasurpresa naman ako, pero bakit ako naiiyak?

"Happy Birthday, Blueberry ko." Saad ng katabi ko.

Inakbayan niya ako saka hinalikan sa noo.

"Nasurpresa ka ba?" Dagdag niya.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ko kung pakana niya ba lahat ng ito. Tumango lang naman siya sa titig ko ng nakangiti.

"Hoy! Love birds! 'Wag nga kayong maglandian sa harap namin! Aba, kain na tayo! Gutom na kaya kami!" Ani Yukino.

"For I know Yuki, ikaw lang naman ang gutom." Panunuya ni Ate Xynth sa kanya.

Nagpout lang ito kay Ate. Hindi niya kasi ito magawang mabara kasi mas matanda ito sa amin at dahil bestfriend niya rin ito. Tumawa naman ang mga taong nasa loob ng bahay ko.

Lumapit na lang kami ni Red sa kanila na may ngiti sa aking labi.

2 years ko nang isinicelebrate ang birthday ko na wala sina Mama at Papa. Tapos ito naman ang una na wala si Ate. At ang ginawa ni Red ngayon, ang makapagsasabing napunan ulit ng saya ang kaarawan ko.

Last year, kaming tatlo lang nina Ate at Kuya Terrence ang nagcelebrate noon dito sa bahay. Masaya, pero kulang. Alam 'yon ni Ate. Maging siya'y idinidiwang din ang kaarawan noon na hindi kami kompleto.

Sa ngayon, alam ko na, na may handang maglagay ng saya sa aking puso. Ang mga kaibigan ko, ang malapit na mga pamilya sa puso ko, at syempre ang pinakamamahal ko, si Red.

"Thank you." Simple kong bulong kay Red.

"Anything for you, my love." Kinilig na lang ako sa kanyang patutsada.

Kahit pilyo 'to, marami namang alam na pambawi. Kaya nga mahal na mahal ko e.

"O, bago ang lahat, kantahan muna natin ang may kaarawan. Tapos ibigay na rin natin ang mga regalo natin sa kanya." Anunsyo ng pamilayar na boses.

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Josh.

Ang kaibigan kong may tampo sa akin.

Nang magtagpo ang aming mga mata ay ngiti na nagsasabing, okay na kami ang sumalubong sa akin. Nangiti na rin tuloy ako sa kanya. Kahit na, may namuong luha sa gilid ng aking mga mata.

"Mag-i-emote kaagad? Di pa nga nagsisimula." Dagdag niya.

"Alam mo namang emo ako inside 'di ba?" At tuluyan na akong natawa.

"Tama na yan. Simulan na muna natin ang programa." Pagsuway ni Mama sa amin. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. "Dapat magsaya tayo ngayon, 'di ba? It's your day, Riel." Aniya.

"I am Mama. Salamat po!"

Pinaupo na lang nila ako sa may harapan. At nagsimula na nga silang kumanta.

"Happy birthday, to... you!" Pagtatapos ng kanta. Saka ko naman hinipan ang kandila na nasa cake. Nagsipalakpakan ang lahat.

"Bigayan na ng gift!" Sigaw na naman ni Yuki.

"Ano 'to, Christmas party? Ganun?" Pagbabara na naman sa kanya ni Ate Xynth.

"Nakakahalata na ako sa'yo, Ate ha!" Tampu-tampuhan naman ng una.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon